CHAPTER THIRTY-FIVE

50.5K 1.3K 59
                                    


Chapter 35

MAHIGPIT ANG HAWAK ng binata ang kamay ni Sera habang pinakikinggan ang mga taong gustong magbigay ng mensahe para sa bata bago ito ilagay sa pinakahuli nitong hantungan sa tabi ng lolo at lola ni Lucas.

All of them are wearing white color as symbol of their sympathy for Lucas and the family. And no one can describe the feeling they're all feeling right now, specially, Lucas. They're all sad but no one can surpass the father's feeling of losing a child. Malungkot siya oo. Masakit, oo, pero walang makakatumbas na lungkot at sakit na nararamdaman ni Lucas.

Alam niyang gusto nitong umiyak dahil sa mga mensahe na ibinibigay ng mga nakikiramay sa kanya. Wala siyang magawa kundi ang pisilin lang ang kamay ng binata sa tuwing ang mga mensaheng tagos sa puso ang maririnig niya.

Pinagmasdan niya ang larawan ni Princess na katabi ng puti nitong ataol. May ngiti sa labi, masigla at napaka-masayahing bata. Nakakapang-hinayang lang na maaga itong nawala sa mundong ibabaw. Ni hindi pa niya nasabi sa bata kung gaano niya ito kamahal. At nagpapasalamat siya na dumating ito sa buhay niya.

She bring back the old Sera.  Nevertheless, she know's that Princess now is happy, sa tahanan ng diyos at pinagdarasal niya na sana ay gabayan sila nito.

"Condolence."

Nangunot ang noo niya nang marinig ang mga pamilyar na boses na nagmula sa likuran niya dahilan para mapalingon siya. At namilog ang kanyang mga mata nang makita ang pamilya niya.

Kompleto ang pamilya ni Sera, naroon ang ina at mga kapatid. Hindi rin niya inaasahan na makikiramay din ang lolo niya at mga pinsan. It was unexpected. Ang alam niya ay busy ang mga ito, pero nagawa paring makiramay.

"Thank you." Sambit ni Lucas. "Salamat po at nakarating kayo."

"Nandito kang kami para sa'yo, hijo." Anang lolo niya sa binata. "Huwag mong kakalimutan, hindi ka nag-iisa."

Tumango lang si Lucas saka tipid na ngumiti saka muling ibinalik ang paningin sa harap kung saan naroon si Julia na siyang nagbibigay na ng mensahe.

She mouthed "thank you" to them before turning around.

Sinabi nito kung gaano siya nagsisi na iwan ang bata at kung gaano nito kamahal ang bata. Umiiyak ito at pumipiyok na sa sobrang pag-hikbi dahilan para sumabay ang ibang naroon sa pag-iyak nito. Ramdam ng lahat ang lungkot sa mga binitiwang salita ni Julia.

"At gusto kong humingi ng tawad, kay Lucas." Anito dahilan para tumingala ang binata. "I'm sorry for causing you too much pain. For leaving you behind. For being a liar, for hurting you and for everything." hindi na nito napigilan ang mapahagulhol. "Sana mapatawad mo ako. At kung meron man akong magandang bagay na maibibigay sa'yo ngayon. 'Yon ay ang ipagdasal na sana maging masaya kana, sana mahanap mo na ang bagay na makapagpapasaya sa'yo. I wish for your happiness. You've already been through a lot and it's time for you to move on and be happy."

Tipid lang ang naging pagngiti ni Lucas pero alam niyang napatawad na ng binata si Julia.

Inaasahan niyang pagkatapos ni Julia ay magbibigay din ng mensahe si Lucas sa bata o kaya naman siya, pero naibaon na si Princess sa lupa, nagsi-alisan na ang mga tao at lahat ay wala paring kibo ang binata. Nanatili lang siyang nakatayo sa harap ng puntod ni Princess.

"Sera, you need to rest afterwards, okay?" Habilin ng kanyang ina sa kanya. "Hindi kapa nagpapahinga magbuhat kahapon, makakasama sa kalusugan mo at sa mga sanggol na nasa sinapupunan mo."

Tumango siya. "I will." Sambit niya saka ngumiti. "Hihintayin ko lang si Lucas."

"Okay," sambit ng ina niya saka siya nito mahigpit na niyakap.

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon