CHAPTER SEVEN

49.6K 1.3K 22
                                    

Chapter 7

PAGKATAPOS NIYANG MAKITA ang blood test na ginawa niya sa bata ay kaagad naman niyang pinuntahan ang pamilya Allegre para pag-usapan ang dapat na gawin para sa bata.

Naabutan niya ang bata na naglalaro kasama ang ama sa kama ng ospital. Sandaling iniwanan ito ni Lucas para sila ay makapag-usap.

They decided to go on a chemotherapy instead of a ct-scan. To much radiation can damage the child's developing brain. Mabuti nalang at pumayag ang ama nito.

Sinabi rin niya, na hindi magiging madali ang operasyon dahil may posibilidad na bumigay ang bata. She has a weak body after all.

At habang ginagawa niya iyon ay isang desisyon ang pumasok sa isip niya. Hindi niya pwedeng operahan ang bata kung may sama ito ng loob, baka mas lalo lang siyang mahirapan.

She heaved sigh then faced them. "Huwag niyo munang sabihin sa kanya na hindi ako ang mommy niya." Biglaang saad niya na ikinagulat ng mga ito.

"Bakit?." Kunot noong tanong ni Lucas Allegre sa kanya. "Paaasahin ko lang ang anak ko sa wala. Did you even know how much a go through para lang mapalaki ng maayos ang anak ko?." Kalmado ito ngunit mababasa sa tinig nito ang galit. Batid niyang hindi ito sasang-ayon sa plano niya.
"Well, tell her now." Pag-hahamon niya. "Hindi ko na problema kung umiyak ang anak mo at magwala kapag sinabi mo. Kailangan niyo ng tulong ko, I will help you, but only if you cooperate." Wika niya."Look, maging ako ay ayaw din sa ganitong klase ng set-up. But it will only take a month or two, matatapos na ang operasiyon, and after that--"

"I'll be the one to suffer." He cut her off. "Ako ang magpapaliwanag sa kanya na hindi ikaw ang ina niya at makikita ko kung paano masaktan ang anak ko. Gano'n ba ang gusto mong mangyari?." Mahina itong natawa at napakamot pa ng ulo. "You have no idea how much I want to be enough for my daughter. Na kahit na wala ng ina na dumating sa buhay niya, basta ako, sapat na. Hindi mo alam kung gaano ko inaalis sa isipan niya ang kanyang ina, dahil wala namang ina na darating para sa kanya. Pero ikaw, magpapanggap kang ina niya sa loob ng isa o dalawang buwan, pagkatapos iiwan mo siya?. Is that it?."

Magsasalita pa sana ito pero inunahan na ito ng ginang. "Payag kami."

"What?, mom."

Hindi ito pinansin ng ginang na sa kanya lang nakatingin. "Gusto kong mawala ang tumor sa utak ng anak ko, at kung ang set up na ito ang makakatulong para sa kanya ay papayag ako."

Tumango siya. "As doctor who only wants best for her patient, gagawin ko 'to. After that, kayo na ang bahala na magpaliwanag sa bata."

Mapaklang natawa si Lucas sa tinuran niya pero wala siyang pakialam. "You must kidding?. Lying to my child, and we will be the one to suffer in the end?. No fuc--"

"Mommy," biglang sumingit ang bata na kaagad nagpabuhat sa kanya. "Kailan tayo uuwi?." Inosenteng tanong nito na ikinabigla niya.

"Oo nga, anak." Wika ng ama nito na nakangising nakatingin sa kanya. "Kailan nga ba tayo uuwi na kasama siya?." Tanong nito na bawat salita ay may diin.

Parang natutop niya ang sariling dila at hindi makapag-salita. She didn't see that coming, damn it!.

Lahat ng mga mata maging ang inosenteng bata ay sa kanya nakatingin. Sinamaan niya ng tingin si Lucas na nakangisi parin.

"Ahm... I can't, Princess." Tanggi niya. "I am busy."

Bagsak-balikat ang bata at malamlam ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Sige na, mommy. Come home with us. Gusto kong makasama ka sa pagtulog mamaya, sige na, mommy. Please." Pagmamakaawa nito.

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon