CHAPTER SIX

48.3K 1.3K 32
                                    

Chapter 6

"WHERE IS MOM?!." nagpupuyos si Sera sa galit na umuwi sa bahay ng ina niya. Una niyang naabutan ang bunsong kapatid na si Alexa na nakaupo sa sofa ng kanilang living room at nagbabasa ng libro.

Iniwan niya panandalian ang trabaho para lang makauwi at kumprotahin ang ina at bigyang katutuhan ang sinabi ni Casey sa kanya.

She won't believe it unless her mom said so. Hindi siya maniniwala kung kani-kanino lang lalong lalo na kay Casey. Sila ang anak pero hindi nila alam?. Hindi niya alam kung ilang taon na nagtatagpo ang dalawa, at kung saan ito nagkikita.

Damn it!. She was so busy being a doctor that she can't even know what her mom's doing.

"I said, where is mom?!." Muli niyang tanong ng tingnan lang siya nito.

"Sa kwarto niya. Nag-aayos ng flower vase." Sagot nito. "Why?."

"Do you know?." Balik tanong niya rito. She is gritted her teeth in so much anger. "May alam ka ba kay mama?."

Napakurap pa ito na naguguluhan sa tanong niya. "I know nothing, except she is our mom?."

"Shit!." Mura niya saka nagmadaling pumanhik pataas patungo sa kwarto nito.

"Ate, what's going on?." Tanong ng kapatid na nakasunod na sa kanya. "Why are you mad?."

Hindi niya ito pinansin at naglakad lang patungo sa silid nito. Her mom tought them to knock before entering a room but she just opened it and close it with so much forced. Because of her anger, she couldn't think straight. Ang alam lang niya ay kailangan niyang kausapin ang ina. At sa totoo lang, mukhang mag-aaway sila kung hindi niya magustuhan ang sagot nito.

"Have you forgotten how to knock, Sera?." Galit na tanong ng ina. Tama nga ang kapatid, nag-aayos ito ng flowervase.

"Why you?. Have you forgotten that you have a fucking children?!."Kung galit ito, mas galit siya. "It looks like you're taking us out of the picture." Aniya ang mga kamay ay kuyom na kuyom at kung pwede lang ay kanina pa niya nasuntok ang pader.

"Hindi kita maintindihan, Sera." Inosente nitong saad. "Ano ba ang gusto mong sabihin at kailangan mo pang umuwi at iwanan ang mas importanteng bagay?."

She chuckled. "Don't you play innocent, mom. Alam kong alam mo kung ano ang ipinunta ko dito."

Nagkibit balikat ito. "Tatanungin pa ba kita kung alam ko."

Mapakla siyang natawa. Mukhang masasabi niyang sa ina niya sila nagmana ni Eros. Parehong pilosopo.

"Totoo ba?."

"Na ano?." Balik tanong nito sa kanya.

"Na ikakasal ka kay direktor Santos?!."

Natigilan ang ina niya at naging malikot ang mga mata nito. Ang kaninang inosenteng aura nito ay animo'y naging kriminal na iniinteruga.

Nagdilim ang paningin niya. She does know her mom very well. Alam niya kung kailan ito nagsisinungaling, kung kailan nagsasabi ng totoo at kung kailan nagsi-sekreto.

"Totoo ba?!."

Mariing pumikit ang ina, marahil ay hindi nito inaasahan ang pagsigaw niya.

"Kung hindi pa sinabi sa akin ni Casey, hindi mo pa sasabihin sa akin?. Ano iyon, ikakasal kayo ng wala kami, out of the picture, gano'n?!." Sumbat niya sa ina. "Do you still even consider us as your children?."

Doon na humarap sa kanya ang ina. "Oo naman." Saka ito humakbang palapit sa kanya. "Anak ko parin kayo. Hindi ko sinabi sa inyo kasi alam kung hindi kayo papayag." Malamlam ang mga mata nito nang makalapit sa kanya. "Kayong apat ang prayuridad ko sa nakalipas na labing limang taon. Mag-isa ko kayong pinalaki at tinaguyod. For my whole life, I've been looking out for all of you. Wala akong ibang inisip kundi kayo lang. I never think of getting in to a relationship kasi kayo ang kasiyahan ko, kayo sapat na. Kayo lang sa buhay ko, masaya na ako." Hindi na napigilang pumatak ang mga luha ng kanyang in sa mga mata. "But this past few years, simula ng magkaroon kayo ng sarili niyong buhay. This house felt empty without the four of you. You and Eros have your own life already and Celeste, bumukod narin."

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon