CHAPTER TWENTY-FOUR

41.9K 1.1K 40
                                    

Chapter 24

DALAWANG ARAW na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi parin nagigising ang anak niya. He was worried sick. Hindi na siya mapakali at nag-aalala na siya ng sobra para sa buhay ng anak.

Ito ang kauna-unang pang-yayari na na-ospital ang anak niya na tumagal ng dalawang araw na wala itong malay. Ayon kay Eros na siyang tumingin sa anak niya ay kailangan na itong maoperahan sa lalong madaling panahon.

Tinatanong niya si Eros kung ano ang nakita nito sa test na kinuha noong nakaraang araw, pero pilit lang nitong iniiba ang usapan na may nakapagdadagdag ng takot ang pangamba sa puso niya.

Ang lagi lang nitong sinasabi ay hintayin nalang si Sera na siyang mag-oopera sa kanyang anak.

Speaking of which, dalawang araw narin itong wala. Ni hindi manlang ito dumalaw sa anak nang ilipat ito sa private room. Simula ng ibalita ni Kile sa dalaga na darating ang pamilya Dela Vega para dalawin ang anak ay umalis ito at hindi nagpakita. Hindi narin nakita ang dalaga na umalis dahil nakaidlip siya.

Gano'n ba talaga ito kamuhi sa pamilya ama niya, para ayaw nitong makita?. Gaano kalaki ang galit nito para matiis nitong hindi bisitahin ang anak niya. Paano kung pati sa anak niya ay may galit na rin ito?. Paano kung hindi na siya nito pansinin o kausapin?. Paano kung..

Ipinilig niya ang ulo upang iwaksi ang mga negatibong tanong sa isip niya. Hindi naman siguro nito idadamay ang anak niya sa galit sa ama at sa pamilya Alonzo. Alam niyang mahal nito ang anak niya, nararamdaman niya.

"Nakatulog ka ba ng mahimbing, hijo?." Pukaw sa kanya ng isang matandang babae na sa pagkakatanda niya ay lola ni Sera sa ama. Napakaganda ng ngiti nito at mukhang napakabait.

Magkapareho ang hugis ng mga mata nito at ni Sera, ang pinag-kaiba nga lang ay mas may buhay ang sa matandang kaharap niya. Mas maraming emosyon at mas kaaya-ayang pagmasdan.

Tuloy ay hindi niya maiwasang makita sa isip niya si Sera na may ngiti ang mga mata, may buhay. Siguro ay mas maganda itong tingnan.

Tumayo siya bilang pag-galang sa ginang. "O-Opo."  Magalang na sagot niya rito. "Kayo po, bakit hindi pa po kayo umuuwi?. Magpahinga naman po kayo, kahapon pa kayo nandito."

Malapad ang ngiti ng ginang sa kanya."Ayos lang ako, hijo. Ikaw ang dapat na magpahinga dahil mukhang nananamlay ka."

"It's ok, ma'am." He insisted. "Gusto ko pagising ni Princess, ako ang una niyang makikita."

Mataman siyang tinigan ng ginang at ang ngiti ay nawala sa labi nito. Mababasa niya sa mga mata ang awa para sa kanya.

"On behalf of my grand daughter, ako na ang humihingi ng tawad." Saad nito. "Hindi ko alam kung bakit niya iniwan ang kagaya mo na walang ibang inisip kundi ang kapakanan ng anak. Nakikita kong napakabuti mong ama sa iyong anak." Anito saka bumaling sa anak niyang nakahiga sa hospital bed at naka-oxygen. "Naaalala ko sa inyong dalawa ang anak kong si Harold at ang apo ko sa una niyang asawa, si Sera." Ngumiti ito nang banggitin ang pangalan ni Sera.

"I heard that she is Princess's doctor?, so I guess you two already met. Alam mo ba na noong bata iyon, napakamasayahin, parang walang problema." Pagkukwento nito sa buhay ng dalaga noong bata pa. "Napaka-sweet na bata kaya naman madami sa aming pamilya ang gustong-gusto siya. Maraming pinsan niya ang naiinggit sa kanya kasi bukod sa maganda, mabait at masayahing bata ay matalino pa."

Isang munting ngiti ang kumawala sa kanyang labi at hindi niya maiwasang makita sa isip niya ang batang Sera. What would she be like?.

"Tapos lagi pang hindi magkasundo no'n si Serio at ang asawa ko kasi tuwing weekend, gusto nilang iuwi si Sera. Gusto ng mag-balae na sarilihin si Sera tapos eto namang si Harold, kapag weekend na, itatago na niya ang anak niya." Anito saka tumawa. "Ayaw din kasi ipahiram ni Harold ang anak kasi nga, gusto din niyang maka-bonding ang anak. Daddy's girl kasi si Sera."

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon