CHAPTER THIRTY-TWO

44.6K 1.2K 58
                                    

Chapter 32

HINDI MAWALA ANG ngiti ni Sera habang pinagmamasdan ang magkahawak nilang kamay ni Lucas. Simula kasi ng magtapat sila ng nararamdaman para sa isa't isa ay hindi na nito binitiwan ang kamay niya.

Tuloy ay isang kamay lang ang ginagamit niya sa lahat. Minsan ay kailangan pa niyang ilipat sa isang kamay niya ang kamay nito para lang magamit ang isa dahil nangangawit na siya.

"Can I have one of your milkshake?." Tanong ng binata habang nakatingin sa napakaraming milkshake sa ibabaw ng mesa niya. Akmang kukuha na ito nang isa nang tampalin niya ang kamay nito.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Kapag nabawasan iyan, mababawasan din ang pagmamahal ko sa'yo." Pananakot niya at nakita niyang natakot naman ito dahil inilagay nito sa bulsa ang kamay. "Hindi pa ba natin pupuntahan ang anak mo?." Kapagkuwa'y tanong niya saka ngumuso. "I want to see her. Diba sabi mo, bibisitahin natin ang anak mo. You promise me."

Napansin niya ang lungkot na bumalatay sa mukha nito. "Pwebe bang bukas nalang ulit?."

Sinimangutan niya ang binata saka niya ito inirapan. "Ang sabihin mo, ayaw ni Julia na masingitan ko siya sa anak niyong dalawa. Kasi, mas gusto ako ng anak mo."

Hindi siya nito sinagot. Tahimik lang ito habang nakatingin sa mga kamay nilang magkahawak.

"Lucas." Pukaw niya rito. Matiim niya itong pinakatitigan. "Ayos ka lang ba?."

"Magagalit ka ba sa akin, kung may ginawa akong bagay na hindi mo inaasahan?." Tanong nito at naguguluhan siya sa sinasabi nito.

"Ano bang pinagsasabi mo?." Naguguluhan niya tanong sa binata saka ito pinukol ng masamang tingin. "If you're cheating on me, siguraduhin mong hindi ko makikita. Hindi mo pa nakita ang mga gamit ko sa operation room, iyong scalpel at lancet ko, matulis iyon, isasaksak ko pareho sa inyo kapag niloko mo ako." Pananakot niya rito na tinawanan lang nito. "I'm not bluffing!." Singhal niya rito.

"I know." Natatawang sambit nito. "Ikaw pa, sadista ka. At kahit na sinong babaeng ipakilala mo sa akin, mas maganda man o mas sexy sa'yo, ikaw parin ang pipiliin ko."anito saka pinanggigilan ang kanyang ilong. "Bakit parang nangangayayat ka?."

"H-Ha?."

"Nagda-diet ka ba?." Kunot noong tanong niya saka bigla siya nitong hinila patayo. Pinaikot siya nito habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuhan niya. "Ang sexy na nga ng katawan mo, nagda-diet ka pa."

Nakagat niya ang labi niya nang maalalang hindi pa pala niya nasasabi sa binata na buntis siya.

'I think it's about time.'

Bigla ay nagdilim ang paningin ni Lucas at kita niya ang pag galaw ng panga nito, tanda na galit ito. "May iba ka bang lalaki na pinagagandahan, bukod sa akin?."

"Wala." Sagot niya sa binata. "Atsaka hindi ko ugali ang magpaganda. Dahil alam ko naman sa sarili ko na maganda ako." Nakangising aniya. "Hindi iyon ang dahilan kung bakit nangangayayat ako."

"E ano?."

"Kasi bun--"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang pumasok ang kapatid niyang si Eros. "Lolo is calling us all, in my office."

He sighed and glared at her brother. 'Wrong timing naman 'to.'

"Para daw saan?." Inis niyang tanong sa kapatid.

"Sumunod ka nalang at huwag ka ng magtanong." Anito saka nagpaunang lumabas.

Bumaling siya sa binata na nakabusangot na ang mukha. "Can I come?."

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon