EPILOGUE

68.5K 2.1K 165
                                    


FIFTEEN YEARS LATER..

"CHECKMATE!"

Napatanga nalang si Lucas at hindi makapaniwalang napatingin sa chessboard kung saan nahuli ng pyesang kabayo ng bunso at limang taong gulang niyang anak na si Queen ang kanyang Hari.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglaro sila ng chess dahil noon ay hindi pa naman ito marunong, pero nagulat siya nang makitang natalo siya ng anak.

He couldn't believe it. A five year old little girl just beat him in one round. Wow.  That was unexpected. Hindi naman sa gusto niyang manalo siya para lang makita ng anak na mas magaling siya, gusto lang niyang manalo para siya ang makakuha ng premyo sa anak. A kiss and a cuddle to his youngest. Instead, siya ang natalo at si Queen ang makakakuha ng premyo.

"I won, daddy! You lose, can I get my price now?" Queen said then giggled as he nodded. Lumapit ito sa likuran niya saka walang pasabing sumakay sa likuran niya. "One hour piggy back!" She shouted.  

Wala siyang nagawa kundi ang hawakan ang makabila at maliliit na hita ng anak para alalayan ito at manatili sa likod niya saka siya tumayo. "Since when did you become good as mommy, huh?" Tanong niya sa anak na nasa nakasampay sa likuran niya.

"She taught me everytime she has a free time, daddy." Sagot ng anak. "Sabi niya, huwag ko daw ituturo sa'yo."

He chuckled at what she just said. "She said that?"

"Uh-mm." Tugon ng anak. "Daddy, can I sleep now."

Natigilan siya sa sinabi ng anak. Dahil doon ay naalala niya ang panganay niyang si Princess. Sa tuwing sinasabi ni Queen ang katagang iyon ay bumabalik sa alaala niya ang huli nitong sinabi bago ito tuluyang bawian ng buhay. Ang tagal na ng panahon pero parang kahapon lang nang iwan siya ng anak niya.

Pero dahil alam niyang gabi na at kailangan ng magpahinga ng anak ay nakahinga siya ng maluwag. Isa pa, wala namang sakit ang bunso niya. She was just tired and sleepy.

He smiled. "Sige, dadalhin na kita sa kwarto mo." Aniya saka niya ibinaba ang anak na nasa likuran parin niya upang pangkuin. "Susunduin ko pa si mommy e. We have a date. Magtatampo iyon kapag na-late ako."

Ngumiti ang anak saka siya nito niyakap. "Okay, daddy. Don't forget my pasalubong."

"Okay, baby." Sambit niya saka ito hinalikan sa noo. "Let's go to bed?"

Tumango ang anak.

Nang maihatid niya ang anak sa silid nito ay hinintay pa muna niya na makatulog ang anak bago ito iwan.  Kaagad niyang hinanap ang tatlo pang anak na kanina pa niya hindi mahagilap. Hindi pa man siya nakakaalis sa kwarto ng anak ay nahulaan na niya kung nasaan ang tatlo.

His twin Duke and Duchess and his ten year year old King are in a same room in the playroom. His two son Duke and King are playing videogames and his daughter Duchess was sitting down on the sofa and reading books while drinking milkshake.

'At night?.'

Napabuntong-hininga siya habang naglalakad palapit kay Duchess. At tiningala siya nito. Mukhang kambal niya ito ang nakakuha ng pagkahilig sa milkshake.

"What, Dad?" Inosenteng tanong ng anak na binigyan lang niya ng tingin. Ngiting aso lang ang itinugon nito sa kanya nang mapagtanto nito kung bakit siya nakatingin. "I'm craving for milkshake, daddy."

"Pwede bang kahit isang araw lang, can you give yourself a break from milkshake? Baka magtae ka niyan." Kunot-noong saad niya sa anak na walang araw at gabi na hindi niya makikitang hindi umiinom ng milkshake."And I am not going ask of whoever bought you that at this hour." Aniya saka bumaling naman kay Duke na dahan-dahang lumingon sa kanya at ngumiti.

Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon