Chapter 28
"ARE YOU OK?." Pukaw ni Lucas sa dalaga na kanina pa nakatingin sa kawalan. Kanina pa niya napapansin ang papanahimik ng dalaga. Nakaupo ito at hawak ang diagnoses ng anak pero hindi naman doon ang atensiyon ng dalaga.
Matiim niyang pinakatitigan ang dalaga at habang tinitigan niya ito ay napansing niyang nangayayat ito. Hindi lang iyon ang napapansin niya rito. Alam na niyang mainit palagi ang ulo ni Sera pero alam niyang may dahilan ang mga iyon. Ngayon ay kakalabitin lang niya ito o kaya naman ay kakausapin ay sisinghalan na siya ng dalaga.
'What's her problem?,'
Imbes na kausapin siya ay itinuon nalang nito ang atensiyon sa hawak na papel. Para bang wala itong narinig o kaya naman ay hindi siya nag-eexist sa dalaga.
Dahil gusto niya na pansinin siya nito ay kunwaring naghanap siya ng mga bagay na makakakuha ng atensiyon ng dalaga.
And he already know what is it. He walks towards the bookshelf and pretended he is interested at the books that's in there. Nangunot ang noo niya nang makitang halos lahat ng libro doon ay pang-medisina.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay makakakita siya ng isang libro na hindi konektado sa medisina. Isang libro ang hindi niya inaasahang makikita sa bookshelf ng dalaga, ni hindi nga rin sumagi sa isip niya na nagbabasa ito ng ganoong libro.
"Fifty shades of Grey?." Inosenteng aniya saka kinuha ang libro. "May naligaw sa bookshelf mo."
Dinig niya ang matunog na pag-atras ng swivel chair at ang mabilis na paglapit sa kanya ng dalaga. "Give that to me!." Akmang aagawin nito sa kanya ang libro ng itinaas niya ang kamay niya. "Lucas!, give that back!." Sigaw ni Sera sa kanya.
Nunkang makikinig siya. He wants her time and if it means he has to annoys her even more. Kahit magalit ito sa kanya ang mahalaga ay nasa kanya ang atensiyon nito.
"I didn't know you were reading erotic books."
"Kay Celeste iyan." Sagot niya pero halatang nagsisinungaling ito sa kanya base narin sa mailap nitong mga mata. "Akin na iyan!." She said then tiptoed trying to reach the book.
Nagpatangkad siya para hindi nito makuha ang libro. "I can't believe you are lying to me right now, Sera."
"What?." Maang-maangan ng dalaga. "I am not lying."
Napangiti siya nang makita kung gaano kapula ang mukha nito, tanda na nahihiya ito. Marunong rin palang mahiya ang isang katulad ni Sera. Mas lalong nakadagdag iyon sa angking ganda ng dalaga.
"Huwag ka ng mahiya." Wika niya saka pilyong ngumisi sa dalaga. "Napanood mo na ba ang movie nito. Kung hindi mo pa napanood, pwede nating panoorin." Sinabi niya iyon habang pinalalandas ang daliri niya sa makinis nitong braso. "At habang pinapanood natin iyon, let's--"
"Magtigil ka, Lucas!." Singhal nito sakanya dahilan para matawa siya. "At hindi ko type ang ginagawa ng lalaki sa babae diyan sa libro--" natigilan ito saka niya natutop ang labi at napapahiyang nag-iwas ng tingin.
Matiim niyang tinitigan ang mas namula nitong mukha saka bumulong. "You're more beautiful when your face turn red." He whispered huskily.
Hahalikan niya sana ang dalaga pero hindi niya nagawa dahil bumukas ang pinto at pumasok doon si Julia. Humahangos ito at mapula ang mga mata. Tumakbo si Julia palapit sa kanya at nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin.
She was sobbing.
Nag-aalangan siyang bumaling sa tumingin kay Sera na matalim ang tingin sa kanila ni Julia na magkayakap. Pilit siyang kumakawala sa pagkakayakap nito pero sa sobrang higpit ay hindi siya makawala. "Bakit ka umiiyak?." Kunot-noong tanong niya.
BINABASA MO ANG
Herrera Series 2: Taming the Heartless Princess [Completed]
General FictionLucas Allegre lives in America for almost his whole life. Nandoon ang kompanya niya, ang pangarap niya. Pero mapipilitan siyang iwanan ang bansa at makipagsapalaran sa bansang hindi niya nakagisnan. Ang pilipinas. Kinailangan niyang pumunta sa lupa...