Chapter 50: Sacrifice

768 19 0
                                    

Third Person's POV

Habang nasa loob pa sina Zero at Lerriana sina Zayne, Charles, Andrew at Mia ang nangunguna sa paggawa ng mga pangharang para protektahan ang lahat na nasa Academia. Ibinuhos nila ang lahat ng kanilang lakas para patigilin ang miasma sa pagpasok sa kanilang paaralan. Sina Kurt at Ashiena naman ay biglang umalis sa kanilang pwesto nang maramdaman nila ang kanilang magulang ay wala na sa loob sapagkat ay pinuntahan na nila si Jhaleel.

"Dad is still weak, he can't fight Jhaleel kahit dalawa sila ni Mom." Ani Kurt sa kanyang kakambal.

"Then leave it to me, Kurt. Ako na ang bahala dito, just save Mommy and Daddy." Tumango si Kurt bilang pagsang-ayon sa kanyang kakambal at ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para sundan ang kanyang magulang papunta sa kastilyo ni Haring Jhaleel.

Pagpasok palang ng binata naramdaman na niya kaagad ang itim na enerhiya sa paligid.

"Ito talaga ang Dark Palace. Halatang mga dark mage ang nakatira dito dahil sa naglabasang dark energy dito. Kainis! Asan na ba sila Mom at Dad?" Bulong niya sa kanyang sarili habang naglalakad.

Dahil sa sobrang dilim, naisip ni Kurt na gamitin ang isang spell para lumiwanag ang paligid. Nang maliwanagan na ang paligid, nanlaki ang mata ni Kurt sa kanyang nakita. Sandamak-mak na blood vampires, ang bampirang umiinom ng dugo ng mga immortals ang nasa paligid niya...pinalibutan na siya ng mga ito.

"Ganun pala. Ang mga nawawalang bampira ay dito lang pala tinago at ginagawang armas ng dark lord. Bago kayo makapaminsala sa ibang immortals siguro'y kailangan ko na kayong iligpit." Pagkatapos sabihin ni Kurt ang mga salitang iyon ay agad siyang bumulong ng isang mahika at ilang saglit pa'y biglang naging abo ang lahat na blood vampires.

"Sana hindi kayo nagpakita sa'kin" ang huling sinabi ni Kurt bago siya umalis para hanapin ang kanyang ina't ama.

Samantala, sina Ashiena at ang iba pa ay abalang nilalabanan ang miasma na unti-unti nang pumapasok sa sa harang nila.

"Shit! Nauubusan na ako ng enerhiya." Ani ni Andrew.

"Ganun na din ako." Sambit naman ng iba.

Bigla na lang pumunta sa harapan si Aster na titig na titig sa miasma na unti-unting pumapatay ng may buhay sa mundo nila.

"Kuya, ang sama mo. Pati ang mundo natin sinisira mo na." Bulong niya sa hangin.

Tumingin siya sa kanyang kasamahan na ngayo'y nanghihina na, tumingin din siya sa kanyang minamahal at ito'y kanyang ningitian.

"Ako na ang bahala dito" ani niya.

Lumapit si Summer sa kanya at yumakap ito.

"No, hindi kita hahayaang mamatay katulad ni Travis. I lost Travis but I'm not going to lose you." Humihikbing pagkasabi ni Summer kay Aster habang nakayakap siya sa binata.

Tinanggal ni Aster ang braso na nakayakap sa kanya at humarap siya kay Summer. Tinitigan niya ang magagandang mata ni Summer bago ito nagwika.

"Hindi ako mawawala sayo at sa magiging anak natin. Hinding-hindi ko yun hahayaan."

Binitiwan siya ng dalaga at lumakad na siya palabas ng harang. He started to chant the most powerful spell that the mages couldn't do. Lumiwanag ang buong paligid ni Aster as well as his body, unti-unting lumalayo ang miasma na kanina'y nilalabanan ng ibang immortals. Namangha sila sa pinakita ni Aster ngunit alam nilang may kabayaran ang paggamit ni Aster sa mahikang yun at yun ang mababawasan ang kanyang buhay.

Pagkatapos maitaboy ni Aster ang miasma na kanina'y nakapalibot sa buong paligid ay bigla siyang natumba at kaagad-agad naman siyang sinalo ni Mark.

HEARTLESS MAGE QUEEN MEETS LOVING VAMPIRE KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon