"Kurt! Pasok na ako." tumango lamang si Kurt at umalis na ako.
Maaga akong gumising dahil may quiz kami ngayong araw na to. Fourth year na ako sa kursong HRM. Magastos na course pero kinaya ko pa naman. Si Mama ay isang guro at nasa ibang bayan nagtuturo. Malayo kaya nagrerenta siya doon ng bahay kasama si Papa. Si Papa naman nagtatrabaho sa isang kompanya na pag mamay-ari ng mga Cortez. Kaya lalo akong iniinis ni Cortez dahil doon. Minsan tinanong ko si Papa kung bakit sa mga Cortez pa ang tanging nasagot niya lang ay isang ngiti.
Ang walang yang Cortez na yan. Pagkatapos akong nilait sa cofee shop ay ginulat pa ako ng busina nyang maingay. Ang hambog kala mo kung sinong makotse. Minsan sarap magdala ng pako at ikiskis sa sasakyan niyang nangingintab. O di kaya'y tusukin ang gulong ng sasakyan. Napakasamang tao niya. Huminto lang pala para bwisitin ako ulit. Kainis na walang yun. Makakaganti din ako. Kala mo ha.
Palabas na ako ng gate at tuluyan ng nasira ang araw ko. Nasabi ko ba? Na pati ang subdivision na ito ay sa kanila? Cortez Palace lahat ng bahay dito ang gaganda at ang mahal. Kaya lang kami dito ay dahil sa empleyado si Papa ng mga Cortez. Napanalunan niya ito ng minsang may pa raffle sa kompanya noong isang taon. Ang swerte kasi ni Papa pagdating sa mga raffles.
Pero ang bwisit lang eh nandito din sila nakatira. Lahat ng anak ay may kanya kanyang bahay dito. Di ba ang sosyal? Si Ate Shaira sa Sunflower Street, si Jodilly na bunso ay meron din mag kasing street sila ni Ate Shaira. Ang bwisit sa lahat ng bwisit ay nagkataon pang magkasing Street kami ni Cortez. Hindi lang magka Street magkaharap pa ang mga bahay. Tulad ngayon sirang sira na ang araw ko. Papalabas siya ng bahay niya sout ang usual nyang expresion. Nakangisi!
Brace yourself Jariesha! Malamang may pinaplano na na namang kabalastugan yan. Knowing him, hindi kompleto ang araw niya kung di nya ko mabwisit. He will just ruin my day, as always. Dali dali akong naglakad paalis ng bahay. Maglalakad nalang ako palabas ng subdivision. May taxi at jeep namang dumadaan eh. Napatigil ako kasi nakasunod si Cortez sa likod. Syempre naka kotse siya, ang tamad maglakad. Di ako ma shashock kung next year ay mataba na yan.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Nakababa ang salamin ng bintana at kitang kita ko ang pagsipol sipol nito. Nagpatuloy parin ako sa paglalakad hanggang sa di ko na naramdaman na nakasunod siya. Hinanap ko siya at nakita kong pinasakay niya si Margareth na isa sa mga girlfriends niya. The Nash Effect that nobody can resist. Well expect me.
Palabas na ako ng subdivision at nakangiting binati ang guard ng bigla nalang napatigil ako.Basang basa ng tubig ang uniform ko. Maging ang bag ko ay nabasa din. Galit na galit akong lumingon sa pinanggalingan ng kotse na siyang dahilan kong bakit tumalsik ang tubig sakin. Umulan kagabi kaya may stagnant water sa kalsada. Hindi naman yun ganoon ka laki pero sapat para mabasa ako.Tumigil ang koste at bumaba ang bintana nito. Nakangising mukha ni Cortez ang nakita ko.
"Ops! Sorry!" pekeng paumanhin nito.
BINABASA MO ANG
The One I Hate (Ongoing)
TienerfictieJariesha Secang and Nash Ian Cortez were never been friends. Para silang aso't pusa. Away dito away doon. Lahat ng bagay di sila magkasundo. And then the worst thing happen. At first it was just purely hate but now its different. Lumala ang sitwas...
