39 [TOIH]

42 1 1
                                    

Hindi ko alam kong paano ngingiti dahil nasa harapan ko siya ngayon. Serysoso habang nakatingin sa amin. Nag uusap silang dalawa ni Agustus pero ang titig niya nasa akin. Tiyak na pagagalitan niya naman ako mamaya.

Pumunta si Agustus sa pwesto niya at nagsimula naman ang bangayan. Napagitnaan nila akong lima at nasa tabi ko si Jared at Keith. Sa mga oras na yun ay diko makuhang ngumiti. Seryoso paring kumukuha ng litrato si Nash. Mga limang shots yata yun, may wacky, look up at iba iba pang pose ng biglang sumigaw si Ted.

“Si Jared at Jariesha naman.”

Lalo akong kinabahan doon dahil sa titig ngayon ni Nash na tila ba leon na ano mang oras ay manglalapa. Nag-aasaran na naman sila at kinakantyawan si Jared. Hanggang sa natalo ito at ginawa nalang ang gusto ng mga kasamahan. Nilagay ni Jared ang braso niya sa balikat ko. Ramdam ko ang tigas at init ng katawan niya dahil doon.

At kitang kita ko kung paano natapon sa buhanginan ang DSLR at ang mabilis na hakabng ni Nash papunta sa akin. Tinapi niya ang braso ni Jared sa balikat ko at pinulupot ang mga braso sa bewang ko.

Napatulala silang lahat. Napayuko ako sa sobrang kahihiyan.

“Iuuwi ko na ang Misis ko. Salamat sa pagiging magiliw sa kanya.” magalang na pahayag nito sa kanila.

Shock was written all over their faces. Their reaction was epic. Hinidi sila makapaniwala at panay ang tingin sa akin at kay Nash. Pabalik balik. Maski ako rin ay nagulat. Kaysa magreklamo ay nanahimik nalang ako.

“Sorry bro.” paghingi ng pasensya ni Jared na sinuklian ng matalim na titig ni Nash.

Hinigit niya ako papalayo, sa sobrang higpit ng hawak niya ay nasasaktan na ako. Maraming nakatingin sa amin at ang iba ay tagos kung tumingin kay Nash. Sa bawat babaeng dinadaanan namin ay halos mabali ang leeg kakatingin kay Nash. Nash seems so oblivious about it. He was whispering something. Tumigil kami ng may babeng humarang sa harap.

“Nash! Saan kaba nagsusuot? Kanina pa kita hinahanap.” said a very sweet voice. Agad akong nagtaas ng tingin at nakita ko ang pagmumukha ni Margareth na ilang buwan ko ng di nakikita. She looks so hot in her black dress. Ng makita niya ako ay agad itong napataas kilay.

“Oh you have company? How are you Jariesha?” tanong nito sabay hawak sa braso ni Nash.

“I’m fine. Ikaw matagal kang nawala ah.” casual na tanong ko pero ang mga mata ay nasa kamay niyang nakahawak sa braso ni Nash.

“I quit school and started a business. Hindi ko naman kailangan ng degree unlike you, you need to graduate in order to get a decent job.”

This is my first time talking to her, na may palitan talaga kami ng mga salita. Last time kasi hindi ko sinasagot ang mga tanong o pasaring niya. Sana pala ay di ko na siya sinagot. Anong ginawa nito sa loob ng mga buwan na nawala siya? Nag-aral mag minaldita? Kumulo ang dugo ko at nanahimik nalang.  

“So bakit kayo magkasama? Nash, don’t tell me na hanggang dito ay sinundan ka ng babaeng to? Tss, hanggang ngayon ba Nash gusto ka ng babaeng to?”

Abat sumusobra talaga ang bunganga ng isang to. Ako sinusundan si Nash? Duh, halos nga idasal ko araw araw na hindi ko siya makasalubong tapos ngayon sasabihin niyang bumubuntot ako kay Nash? Ano bang alam ng babaeng to? Ano ba siya ni— Right, Margareth knows everything because Nash and Margareth have past o baka nga hanggang ngayon ay sila parin. Bakit ko ba nakalimutan yun?

“Maggy, stop it now.” saway nito. Maggy? Such an endearment.

“Chill, im just joking. By the way Craig is here, kakadating lang. Umalis ka kasi kanina yan tuloy di mo siya nakita. Saan kaba pumunta?” malambing na tanong nito sabay haplos sa balikat ni Nash pababa. Gustong gusto ko siyang paluin ng sandals ko ng lumayo ito kay Nash.

The One I Hate (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon