24 [TOIH]

70 5 1
                                    

Thanks god its friday. Patamad na bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto.

Napakamot ako ng ulo ng makita ko ang kalat sa sala. Mga ginupit na papel at basura ng pinag kainan ang nakikita ko doon.

"Kurt!" sigaw ko ng napakalakas.

Lumuwa sa kwarto ang bagong gising na si Kurt. Halatang naiinis ito, kitang kita sa mukha nito ang pagkayamot.

"Ate naman ang aga aga!" reklamo nito sabay kamot sa ulo.

"Alas otso na ng umaga at nakikita mo ba yang kalat mo? Ano ba naman, matuto ka ngang maglinis ng mga kalat mo!"

"Pagod na pagod ako kagabi kaya di na ako nakapagligpit. Sorry Ate hinabol ko kasing tapusin yung project ng bruha." pagpapaliwanag nito.

Napataas ang kilay ko ng marinig kung ano ang sinabi niya.

"Teka! Kaninong project? Kay Jodilly? Bat ikaw ang gumawa? Kayo na no? Kayo na?" sunod sunod na tanong ko habang niyuyugyug siya.

Inalis nito ang kamay ko sa balikat niya at pumunta sa kusina. Sumunod ako at lalo pa siyang ininis.

"Jodilly love Kurt!" paulit ulit kong kinanta.

"Ate ano ba! Hindi ko yun gusto okay? Hindi kami! Hinding hindi ko magugustuhan yung tulad niya." inis na sagot nito at nilampasan ako.

Sinundan ko naman siya sa sala. Aasarin ko na sana ng makita kong nakatayo siya doon at nasaharap si Jodilly. Si Jodilly!

"J-jodilly kanina kapa?" pagsisira ko.ng katahimikan. Sobrang awkward. Narinig niya kaya?

"Ha? Hindi kakarating ko lang. So Kurt natapos mo ba?" sagot nito at ngumiti ng pilit.

"Yeah, kukunin ko lang." sagot naman ng kapatid ko at pumasok ng kwarto.

"Musta? I mean must si--"

"Si Kuya? Okay lang. " ngumiti ito ng pagkalakilaki.

"H-hindi ah! Si baby syempre! Tatlong araw na kasing di bumibisita dito. Pakialam ko sa Kuya mo?" sagot ko pabalik sa kanya.

Tumawa ito, sabay naman noon ang paglabas ng kapatid ko sa kwarto dala dala ang project ni Jodilly.

"Eto na." sabay bigay nito kay Jodilly.

Tinanggap niya ito at nagpasalamat.

"Sige Ate mauuna na ako. Kurt salamat last na talaga to."

May kotseng bumusina sa labas.
"Si Kuya na yan. Ayaw ko sanang sumabay, kasama na niya naman yung bagong girlfriend niya." reklamo nito.

Napataas naman ang kilay ko..Bagong girlfriend? Ni wala pang isang linggo na nakauwi sa pilipinas may girlfriend na agad?  Si Nash yan eh.

"Oh by the way. Kurt hindi na ako sasabay sayong uuwi simula ngayon."

Sila? Sabay umuwi? Wow ha! Mqy hindi ba ako nalalaman sa dalawang to? Pinagmasdan ko ang kapatid ko ay blanko ang ekspresyon nito.

Tumikim ako at tumango naman ang kapatid ko.

"Bakit?" tsismosa ako eh kaya natural magtatanong ako.

"May nanliligaw kasi sakin. Malapit ko na siyang sagutin." sagot nito ng nakangiti.

"Ahh." nasagot ko nalang.

"Bye Kurt, bye Ate Yesha. Dont worry, ill tell Kuya you miss him." huling pahayag nito bago lumabas ng bahay.

The One I Hate (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon