17 [TOIH]

63 8 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas. Isang linggo ko ng iniiwasan si Cortez. Sa tuwing makikita ko siya ay agad akong nagtatago. Ayaw kong makita siya o makasalubong manlang. Natatakot ako na baka totohanin niya ang binitawan niyang salita. Dahil alam kong simula palang ay ako na ang talo. Cortez is a very clever person. Matalino siya at maparaan. Tiyak na ako ang matatalo. Alam kong dadaya siya at pahihirapan pa ako lalo. Natatakot ako na baka tuluyan ng walang lalapit na lalake sa akin. Knowing him. He will do anything just to win.

Isang linggo naring gumugulo sa isip ko ang Unknown Caller. Sa tuwing hapon ito tumatawag. Araw araw walang palya. Tuwing sasagutin naman ito ay laging tahimik sa kabilang linya Nakakapagtaka dahil hindi ito sumasagot. Ano ang kailangan nito sa amin at nagsasayang pa ng  oras at pera sa pagtawag.

At hindi na rin tumatawag si Kuya. Maging si Mama at Papa ay tila walang anak. Ni hindi sila tumatawag. Pero nagpapadala parin ng pera kada linggo at ang nakakapagtaka ay tumaas ito. Siguro busy lang talaga sila ni Mama at Papa at di na nila malaanan ng panahon ng pagtawag at pag check samin dito sa bahay.

Ang daming gumugulo sa isip ko. Parang ako lang ang may problema sa loob ng silid aralan na ito. Paano lahat ng kaklase ko ay nagtatawanan. Lahat sila ay abala sa kanila kanilang mga topiko. Mukhang ako lang ang mag isa na narito sa room na nakalumbaba.

Lumingon ako sa katabi ko at nakita kong hindi pala ako nag iisa. May kasama pala ako. Tulad ko ay di rin maipinta ang mukha ni Cloud. Mukhang inis na inis ito at sa notebook nito pinukol ang lahat ng galit nito.

Tinitigan ko lang siya at yumuko. Napakaswerte talaga naming dalawa. Sobrang swerte.

--

Mag-isa akong nag lunch dahil wala si Cloud. Di ko alam kong nasaan siya. Nagpaalam lang siya sakin kanina nina pero hindi na ito bumalik pa. While Mavin and Misha ay kapwa busy.

So Im here eating all by myself. Maybe I'll get used to it. Di naman kasi poreber na magsasama kaming apat. Dadating ang araw na magkakalayo kami ng landas. Magkakahiwalay at mangyayari yun. Ang pangkaiba lang magkikitakita parin silang tatlo. Bakit ko nasabi? Simple lang, mayayaman sila at galing sa isang mayayamang angkan sa Pilipinas. Magkikita at magkikita sila. They revolve in the same society, High Society. Samantalang ako ay di tiyak kong ano ang patutunguhan. Makakapagtrabaho man ako pero malaki ang tsansa na hindi na kami magkita kita pa. I sigh deeply. Masyadong advance ang mga iniisip ko. Masyadong negative.

I hope someday that our friendship will last. Hindi man kami magkitakita o magkausap basta alam kong may kaibigan ako.

They were one of the best thing that came into my life. I smile and eat the chocolate cake i ordered a while ago.

Nakadalawang subo ako ng may umagaw nito. I know that move that stupid move. Sino ba ang madalas na umeksena na bwisit sa buhay ko? Nag iisa lang naman siya.

Pumikit ako at pinakalma ang sarili.

"Give me back my chocolate. Wala ako sa mood makipasagutan kaya pwede ba tumigil ka, Cortez?" mahina pero may diin kong pahayag.

"Cortez?" A different voice speak. I open my eyes only to find out that Jerich Sarmiento is grinning.

Damn!

Napamura ako at ngumiti ng pilit. Bakit naiisip ko agad na si Cortez yun? Malamang siya lang kasi ang nag iisang alskador sa tanang buhay ko. Pero..

"You thought I'm Nash? Wow! Maybe you really miss him." nakangising tudyo nito sa akin at nilagay ang plato ng cake at umupo sa harap ko.

Now. Explain everything to him, Yesha.

I smile fakely and eat the remaining chocolate cake. Well I cant. Pano ko ipapaliwanag sa kanya? Teka at bakit ko ipapaliwanag sa kanya kung bakit ko siya napagkamalang si Cortez.

The One I Hate (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon