Hell week at judgement day last week. Ngayong tapos na ang midterm exams ay pa easy easy nalang ako. Kakapasa ko lang ng mga projects ko sa lahat ng subjects.
Pagkatapos ng finals OJT na naman. Boung second semester yung OJT namin. Hayy! Iniisip ko palang napapagod na ako.
Pagkatapos ng nangyari doon sa cafeteria ay naging usap usapan na ako ng mga tao. Maging si Margareth ay sinugod ako sa bahay. May nagtext pa sakin na mga girlfriends kunu ni Nash. Wag ko na daw ulitin dahil sa susunod sila na daw yung makakalaban ko.
Kakatakot naman sila. Pssh! Di nga ako natakot kay Nash na may kapangyarihan kunu sa kanila pa?
St. Josep is nothing but a school of rich kid. Kung hindi mayayaman, mga anak ng mayor at mga anak ng mga prof. What good about this school is they don't tolerate the misbehaviors of rich kids. Mayaman man o scholar ka lang pantay pantay. Ang kainis lang yung mga student dito ang tanga. Sinasamba lahat ng mayayaman, mga sikat. Kahit na may karapatang lumaban wala eh, nag papaapi lang sila.
Hello! May Human Rights!
Malapit na kasi ang intramurals may nagpapraktis ng cheering. Try out sa basketball, volleyball at mga indoor games. Ako manonood lang. Ayaw kong bini busy ang sarili ko ngayong kakatapos lang ng midterm exam. Gusto kong mag chill chill muna.
Bumili ako ng isang supot ng nips mahilig kasing papakin to Mavin. Peace offering ko din kasi di ako nakapunta sa bday niya last week kasi nga diba. Masakit ang katawan at isip ko sa exam. Wala akong pera ngayon kaya nips lang muna. Hinanap ko siya sa mga engineering students na nagkukumpulan. Katabi nila ang mga Management students kung saan nakapalibot lahat ng babae sa iisang tao.
Sino pa? Edi ang kapitan ng basketball team ng Management Department. Si Nash. Ang walang modong si Nash Ian Cortez.
Kumaway ako kay Mavin.
Pawis na pawis siyang pumunta sakin. Ang gwapo talaga ng bestfriend ko. Sarap ibalot at iuwi sa bahay. Well sinong di magkakagusto sa kaibigan ko? Gwapo na nga mabait pa. Di rin pahuhuli sa dami ng girlfriends. Crush ko siya noon pero nawala nong maging mag kaibigan kami. Di ko alam pero nawala nalang bigla.
"Hi! Kaw lang?" nakapamaywamg nyang tanong. Tumutulo yung mga pawis niya sa muka. Kinuha ko ang panyo kong ekstra at pinahid sa pisngi nya. Nakita yun ng mga kasama niya kaya biniro nila kami.
"Ayiieee. Si Mavin pala may gf na." si Josh
"Kaya pala this week wala ng nakabuntot sa kanya yun pala may sine seryoso na." dagdag pa ni Arnel
Patawa tawa lang si Mavin. Samantalang ako ay nakangiti din sa biro nila.
"Oy! Di kaya magkaibigan lang kami no." saway ko sa kanila
"Magkaibigan diyan din dadating yan." biro pa ni Arnel
Nakitaw na din yung iba niyang ka team mates. Inabot ko sa kanya ang supot ng Nips.
"Oh. Eto wala pa akong pera sa susunod nalang yung real gift ko."
"Thanks. Baka mamaya susuka na ko ng rainbow kakakain nito." biro nya sakin sabay kuha ng supot ng nips
"Ayiee. May regalo pang dala. Ang sweet naman ng girlfriend mo pre." kantyaw pa nila
"Manahimik nga kayo. Istorbo eh." saway ni Mavin
"Ano bang meron. Bat nandito sa gym yung mga Management students. Pati yang demonyo nandito." tanong ko sabay turo kay Nash ba busy sa mga kalandian niya
"May practice game eh. Bat bago na namang yang bracelet mo?" puna niya sa bago kong bracelet
"Nawala ko, yung isa nasira. Manonood ako ha? Text ko nalang si Cloud at Misha."
"Sige upo ka nalang malapit samin."
Naghanap ako ng pwesto at umupo sa likod ng mga Engineering players. Si Misha busy kaya di makakapunta samantalang si Cloud absent.
Palinga linga ako at nahagip ng mga mata ko si Nash. May kalandian na namang iba. Nagtaas siya ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin. Kinindatan niya ako kaya binelatan ko.
Sarap batuhin ng bola ng paulit ulit.
Nag start ang laro. Magaling maglaro si Mavin kahit di siya ang team captain. Tagadala ng bola at taga tira. Lahat pasok.
Pero sadyang magaling talaga si Cortez. Bawat tira pasok!
Ang walangya ang galing maglaro. Nauungusan na sila ni Mavin. Ang bola dala ni Cortez si Mavin ang nakabantay.
"Go Nash! I love you!" sigaw ng babae na kalandian ni Cortez kanina
Nalampasan ni Cortez si Mavin. Tinira niya ang bola kaya yun. Shoot! 25-23 lamang sila ni Cortez!
Nag time-out ang Engineering Department.
"Nalusutan ako ni Cortez kainis." frustrated na sigaw ni Mavin
"Okay lang yun ano ba. Kaya nyo yan at tsaka praktis palang naman."
Pumito ang referee at nag start na ulit ang laro.
Ang score 40-38 lamang ang kalaban. Si Mavin ang may dala ng bola. Si Cortez ang nakabantay. Dinrible ni Mavin ang bola, inungusan si Cortez. Malapit na sa ring si Mavin at handang i shoot ang bola ng tapalin ito ni Cortez. Malakas ang impact kaya malakas ang pagkahulog ni Mavin. Nakatihaya si Mavin samantalang nasa kamay ni Cortez ang bola.
Lahat ng team mates lumapit kay Mavin at tinulungang makatayo.
"Ok ka lang?" tanong ko ng makalapit ako sa kanila
"Dalhin lang namin sa clinic Jariesha." pahayag ni Arnel
"Sama na ako."
Bitbit nila si Mavin hanggang sa clinic. Agad siyang inasist ng school nurse. Wala naman daw problema. Makaka laro pa naman daw siya. Pahinga lang daw dahil malakas ang pagkabagsak niya.
"Yung bag ko? Josh pakikuha nga sa
gym"
"Wag na ako nalang. Pagod na sila eh. Ako nalang."
Tumango siya at dali dali akong umalis papuntang court.
Bumungad sakin ang walang pang itaaas na si Cortez. Kong tulad ako ng ibang babae siguro nahimatay na ako dito dahil sa view. Kaso iba ako eh. Wala effect yang abs kunu.
Naglalaro siyang mag-isa. Pasimple kong kinuha ang bag at ibang gamit ko na naiwan din. Paalis na ako ng gumulong ang bola sa papunta sakin.
Naramdaman ko ang paglapit niya. Kinabahan ako. Inayos ko ang pagdala ng mg gamit at nagsimulang maglakad ng mabunggo ko siya. Ang walangya nasa harapan ko na pala.
"Excuse me. Dadaan lang."
nagiwas ako ng daan pero sumunod siya. Para kaming nagpapatintero dito sa court. Nainis ako kaya sinigawan ko siya.
"Ano ba! Dadaan ako!" nakatingin na ako ngayon sa kanya. Walang ekspresyong nakatingin lang din siya sakin.
"Alam mo Cortez? Nakakainis ka na!"
di siya sumagot imbis binigay sakin ang bola.
Tinitigan ko lang ito. "Anong gagawin ko diyan?"
"Ano bang ginagawa sa bola? I-shoot mo." pilit niyang binigay sakin ang bola at umupo doon sa sahig.
Anong trip mo Cortez?

BINABASA MO ANG
The One I Hate (Ongoing)
Novela JuvenilJariesha Secang and Nash Ian Cortez were never been friends. Para silang aso't pusa. Away dito away doon. Lahat ng bagay di sila magkasundo. And then the worst thing happen. At first it was just purely hate but now its different. Lumala ang sitwas...