Bukas naman ng gate at pumasok na ako. Nasa bakuran na ako ng kaaway. Maganda at malaki ng bahay ni Cortez. May mga bulaklak ang bakuran at may munting fountain at gazebo sa gilid. Huminga ko ng malalim bago kumatok sa pinto.
"Pasok kayo Maam." anang nagiisang katulong niya
"Yung kapatid ko po?" tanong ko sa matanda
"Nasa taas nakatulog na ata. Sa guest room."
Walanghiya talaga yang kapatid ko. Kumain na nga nakitulog pa. Okay lang sana kasi sabado naman bukas ang hindi okay eh. Dito siya natulog sa kaaway ko pa! Gosh!
Umakyat ako ng hagdan at hinay hinay na pumasok sa guest room. Nakabalot sa kumot ang kapatid ko at tulog na tulog. Di na ako nag abala pang buksan ang ilaw. Umupo ako sa kama at ginising siya.
"Uyy. Kurt gising na."
Umungol lang ito pero di nagising. Hinayhinay kong tinapik yong katawan niya. "Kurt, nasa ibang bahay ka. Uuwi na tayo. Mahiya ka naman, lumamon ka na nga dito. Natulog kapa? Ang nakakainis sa bahay pa ng taong kinaiinisan ko? May dahilan tuloy na pumunta ako dito. Di na ako makahinga sa loob ng kaharian ng kalaban. Hoy, Kurt."
Wala talaga. Tulog mantika parin tong kapatid ko. Tumayo ako at lumapit sa bintana. Tanaw na tanaw ko dito ang bahay partikular ang kwarto ko. Kitang kita dito kong ano man ang gagawin ko dahil parating bukas ang bintana. Ano kaya kung di kami magkaaway ni Nash. What if magkaibigan kami. Araw-araw siguro nandito ako. Magkasama kami, movie marathon, inuman. Nakakatawa ang mga pinag iisip ko. Malabong mangyari. We were meant to be, this. enemies, rivals and never be friends. Sinarado ko ang kurtina at umupo uli sa kama. Mahimbing na nakatulog ang kapatid ko doon. Naantok na rin ako kaya nahiga ako ng konti.
"Kurt, ang hirap mong gisingin. Inaantok na ako. Uwi na tayo hoy."
Wala parin. Nasaan kaya si Nash? Tulog na siguro sa kwarto niya. Bumaba muna ako sa sala at inayos ang mga nagkalat na supot ng pinag kainan nilang dalawa.
"Maam ako na po." sabi ng katulong sakin
"Wag na po, matulog na po kayo. Ako na dito."
"Salamat ha." Tumango lang ako at nagsimulang naglinis. Masyadong maraming kalat. Hinayaan kong nakabukas ang TV. Nagwalis ako ng sala at nag ayos ng sofa. Pagkatapos ko doon ay nilinis ko rin ang kusina. Maruruming kawali at pinggang di nahugasan. Kung ang matanda ang gagawa nito tiyak na mahihirapan siya. Ng matapos ko na ang paglilinis ay nanuod ako ng TV. Feel at home. Haha! Naglinis kaya alo kaya pwede ng manuod. Natapos lahat ng palabas sa TV pero di parin nagigising ang kapatid ko. Pinatay ko ito at naglibot sa loob ng bahay. Mga litrato nilang magpamilya at litrato niya noong bata pa siya. May naka Tuxedo siya, JS yo siguro noong high school. Kahit magkaiba kami ng school noong high school ay alam ko ang mga pinag gagawa niyan. Sikat nga dib kaya napag uusapan. Crush ko siya noon kaya marami akong nalalaman sa kanya. Nasira lang uing impresong iyon ng pumasok kami sa iisang University. I saw him, flirt. Changing his girlfriends like his just changing his clothes. Playing with girls just like his playing an Online Game. Tingin niya sa babae video games pampalipas ng oras. Ni wala siyang seneryoso. Well, nilunok ko yun kasi nga crush na crush ko. Not until that day...
Excited akong palakad lakad sa lobby dala dala ang love letter na ibibigay sana kay NaIan. I use to call him that. Well, ako lang naman ang nakaka-alam. Napapalibutan siya ng mga magagandang babae. Mga sexy at mapuputi. Isa isang nagbibigay ng motibo sa kanya. He smile because of that. Ganito pala kasarap ang college life, araw-araw mong makikita ang crush mo. Magkaharap pa ang locker nyo. Kasaya!
BINABASA MO ANG
The One I Hate (Ongoing)
Teen FictionJariesha Secang and Nash Ian Cortez were never been friends. Para silang aso't pusa. Away dito away doon. Lahat ng bagay di sila magkasundo. And then the worst thing happen. At first it was just purely hate but now its different. Lumala ang sitwas...