7 [TOIH]

81 8 3
                                        

"Ms. Secang, nakikinig ka ba?"

"Yesha! Hoy!" pukaw sakin ni Cloud

"Miss?"

"Mr. Baron. Pakiulit nga ng tanong ko."

"Jariesha Secang sasali ka ba sa Ms. Intrams?"

May meeting kasi ngayon sa council. Wala pa kasing representative para sa Mr. & Ms. Intrams. At eto ako, physically present but mentally absent.

"Ayaw ko po." tipid ma sagot ko

"You see Ms. Secang, next week na ang intrams at wala pa tayong representative." pahayag ni Ms. Go

"I'm sorry Ms. pero ayaw ko talaga." sagot ko.Ayaw kong sumali sa mga beauty pageant na yan. Aside from the fact that Im fat and I"m not that sexy ay ayaw ko ding mapahiya sa Q & A. Matalino ako pero pagdating sa mga ganyan ay baka di ako makasagot. Inuunahan kasi ako ng kaba. Baka himatayin pa ako sa stage at kahit din naman masagot ko ang tanong ay parating ipaalala ng mukha ni Nash kong gaano ako ka panget at kataba. I hate him to the core. Wala akong pakialam sa sasabihin niya pero yung taong makakarinig sa mga sinasabe niya yun ang nakakabahala. Laitin ako ni Cortez hanggang gusto niya pero sa harap lang naming dalawa. Walang audience. Walang nakakakita.

"So, sino? Wala na tayong oras." Tila nangkokonsyensya na sagot ni Maam. Nakayuko lamang ito at nakatingin sa sahig. Kahit ano pang gawin ni Maam, kahit mag tumbling pa siya diyan o ano pang exhibition ang gagawin niya hinding hindi ako makukumbinsi na sumali.

Im not born to be a beauty Queen! And never will! dagdag pa ng pesteng utak ko sa akin.

"Pumayag ka na kaya Yesha?" bulong sakin ni Cloud. Isa pa! Siniko ko siya at inirapan

"Bat ang kulit mo? Ayaw ko nga diba? Di ako pwede diyan. Ayaw kong mapahiya kaya please lang tumigil ka na."

Natapos ang meeting ng walang napili kaya nag assign nalang si Ms. ng mga estudyante upang suriin ang boung HRM students para makahanap ng representative. At, Tada!! Ako pa ang naatasang gawin yun. Argh! I hate obligations. Dahil ng iba yung nabigay na task kay Cloud ay di ko siya kasama. Binisita ko yung first year na may dalawang section. Wala ding gustong sumali. Sa second year wala din. Ang choice ko nalang ay third year o fourth year.

Pumasok ako sa room ng Third year. Magulo sila at maiingay. Wala kasing teacher kaya ganun.

"Excuse me? May I come in?"

Umupo ng maayos yung mga estudyante at nagbulung bulungan.

"Sino yung President sa room?"

May tumayong babae. Maputi ito at maganda. "Bakit Ate?" malambing na tanong nito. "Ano kasi, naghahanap kami ng representative para sa Mr. and Ms. Intrams. Kaya gusto ko sanang magtanong kung sino yung willing." paliwanag ko sa kanya

"Ate meron po. Tatanungin ko lang siya." Tumayo ito sa harapan ng tuwid. tumikhim muna ito bago magsalita. "Jessica Barrientos!" sigaw nito na nagpatigil sa mga estudyanteng magugulo.

"Uy, Jessy tawag ka."

"Jessy!"

"Oo na. Kulet!" Tumayo ang babaeng matangkad at maputi sa klase. May mahaba itong buhok. Maganda ito at seksi. Pwedeng pwede.

"Join ka sa Mr. and Ms. Intrams Jessica ha?" deretsong pahayag ng Presidente.

"Ayaw ko nga!" nakabungisngis na sagot nito at nakatingin sa akin.

The One I Hate (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon