Hindi ako nakikinig sa pinagsasabi ng bakla naming Prof. Naktunganga lang ako sa kanya at binibilang ang mga laway na tumatalsik galing sa bibig niya. Wala eh. Di ko talaga feel ngayong araw na to.
Nadismiss kami ng maaga. Niyaya ako ni Cloud na pumunta ng Cafeteria at kumain. Syempre libre niya. Ayaw ko munang gumastos ngayon daming projects malapit na kasi ang midterm.
Nakaproblema pa sa bahay. Si Kuya Justin di pa nakapadala ng pera siguro crisis ngayon sa Nepal. Doktor si Kuya sa Nepal at dalawang taon na siya doon. Si Kurt naman na bunso ay Fourth year high school na. Sunod na pasukan college na siya buti nalang ga graduate na ako.
Sana pagka graduate ko may trabaho agad. Hay..Life parang buhay.
"Ok ka lang?" tanong ni Cloud
"Yeah." sagot ko kay Cloud
"Di ko na nakikita si Misha these past few weeks. You, diba bestfriends kayo?" he ask about Misha. He ask! May improvement ata sa plano ni Misha. Ang saya!
Sooner or later aamin din to si Cloud. Malapit na!
Speaking of Misha. Saan na nga ba ang babaeng yun? Busy siguro.Education student siya at graduating din this year.
"Ah, ewan baka busy." sagot ko naman
Tumaas ang kilay niya at nagsalita. "Busy saan?"
"Alam mo naman si Misha diba? Maramaming manliligaw. Feel ko nga may sasagutin na siya eh."
Bakas ang inis sa mukha niya na ikinatuwa ko. "S-sino? Dapat masuri namin ni Mavin. Baka kung sino lang yun."
"Masuri nyo ni Mavin o baka masuri mo. Alam mo Cloud feel ko talaga may crush ka kay Misha eh. Denial ka lang." pagbibiro ko sa kanya
Tumawa ito ng pilit at lumapit sakin. "Ako? Mag kaka crush sa kanya? She is not my type."
"Oh? So quits lang tayo Baron. Wala ka sa kalingkingan ng mga manliligaw ko."
Tumambad sa harapan namin si Misha na nakataas ang kilay at may dalang bouquet ng bulaklak. Nilapag niya ito at umupo sa tabi ko. Samantalang si Cloud ay nagulat din at nanahimik nalang.
"Ano yang itsura mo?" tanong ko kay Misha ng mapuna kong. Pula ang mga labi niya at nagpakulay din ito ng buhok na ngayon ay maigsi na. Nakakapanghinayang ang mahabang buhok niya.
"Bagay ba? New look bespren." sabi niya habang nag-aaply pa ng blush-on.
"Tss. Mukha kang sinampal ng paulit ulit. And your hair, para kang posporo." sabat ni Cloud na tila di sang ayon sa look ni Misha
![](https://img.wattpad.com/cover/12262924-288-k59349.jpg)
BINABASA MO ANG
The One I Hate (Ongoing)
Teen FictionJariesha Secang and Nash Ian Cortez were never been friends. Para silang aso't pusa. Away dito away doon. Lahat ng bagay di sila magkasundo. And then the worst thing happen. At first it was just purely hate but now its different. Lumala ang sitwas...