"Ano bang ginagawa sa bola? I-shoot mo." pilit niyang binigay sakin ang bola at umupo doon sa sahig.
Anong trip mo Cortez?
Lumapit ako doon sa ring at walang ganang shinoot ang bola. Gumulong ito sa kung saan at wala akong pakialam.
"O ngayon tapos na. Pwedeng makaalis na? May naghihintay po sakin." lumapit ako sa kanya at kinuha yung mga bag na dapat kong dalhin.
Tumayo siya at kinuha ang bola. "May tatanong lang ako." pahayag niya sabay turo sa bag ko na dala dala ko. "Ilapag mo na mo na yang dala mo."
"Pssh! Ano bang trip mo?" tanong ko
Nagsimula siyang mag dribble ng bola at nag shoot. Nakamasid lang ako sa kanya habang tinitira niya ang bola.
"So? Ano na?" inip na inp kong tanong.
Shinoot niya ang bola at pawis na pawis na lumapit sakin. Napadako ang tingin ko sa pawis na pawis niyang katawan. Hindi naman pala siya payatot may abs pa nga. Pwede na rin.
"Papasa ba?" tanong niya na nagpagulat sakin
"What? By the way anong itatanong mo?" kumuha siya ng bimpo at binigay sakin
"Aanhin ko yan?" nagtatakang tanong ko.
"Punasan mo ako." deretsung sagot niya
Napatawa ako sa sinabe niya kumunot naman ang nou niya dahil doon. "Bat ka tumatawa? Punasan mo nga ako."
"Nakakatawa? Ikaw! Ano mo ako yaya para utus utusan?"
"Punasan mo sabi. " Kitang kita ko ang paglunok niya sabay tulo ng pawis niya sa dibdib. Infairness ang hot nya. Ano ba Yesha? Erase...Erase.
"Tss. May kamay ka kaya punasan mo yan. Kadiri ha." lumayo ako sa kanya at tinitigan siya.
"Bat inis na inis ka sakin?" walang ekpresyong sagot niya.
Wala talagang emosyon ang mukha ni Cortez. Ang hirap tantyahin kong naiinis ba o hindi. Cortez why the blank face?
"Nagtanong kapa? I just hate your face Cortez. Mapang asar ka. Talo mo pa ang high school kung mang bully. Hello! Matanda kana pwede ba itago mo na yang mga kalokohan mo sa baul." binalik ko sa kanya ang bimpo.
"Yun lang? Galit ka agad? Pssh!" Umupo siya sa bench at inayos ang sapatos niya
"Hindi lang yun, Yun lang Cortez. Boung college life ko pinag titripan mo ako. Binubully, pinagtatawanan. You even tell Max na crush ko siya. Tapos ano pinagtawanan nila ako. Noong isang taon anong ginawa mo? Pinahiya mo ako sa party ni Migs na crush ko din noon! Ng minsang may date ako galing sa kabilang school. Anong ginawa mo? Pinahiya mo ako ng todo. " galit kong sigaw sa kanya
Napatigil siya at tumayo. "Joke lang naman yun. Masyado mo lang dinib dib." padabog niyang kinuha ang mga gamit niya at inayos
"Joke sayo sakin hindi. Minsan hinay hinay lang sa joke. Minsan di mo alam nakakasakit kana.Wala ka ng itatanong? Aalis na ako."
"Nililigawan kaba ni Mavin?"
Napatigil ako at hinarap siya. "Anong tanong yan? Mag kaibigan lang kami ni Mavin. Kung nanliligaw nga pakialam mo naman?"
"Nagtatanong lang. Baka kasi nabulag na siya at nag kagusto sayo."seryoso niyang pahayag
"Sobra ka namang manlait. Pag ako nagka boyfriend at gwapo pa tingnan natin, Cortez. You cant never tell."
![](https://img.wattpad.com/cover/12262924-288-k59349.jpg)
BINABASA MO ANG
The One I Hate (Ongoing)
Teen FictionJariesha Secang and Nash Ian Cortez were never been friends. Para silang aso't pusa. Away dito away doon. Lahat ng bagay di sila magkasundo. And then the worst thing happen. At first it was just purely hate but now its different. Lumala ang sitwas...