He said one hour and I don’t know how I can fix my things in just a span of one hour. Inaabot ako ng ilang oras sa pag aayos ng gamit sa totoo lang at ang isang oras ay kulang! Hindi ko na tinupi ng maayos ang mga damit ko at pasalampak na iniligaya sa loob ng travelling bag. Sa linggo daw ng hapon ang balik namin kaya hindi ko kailangang magdala ng madaming mga damit. I have this habit of bringing to much clothes in trips or even in sleep over. Kailangan kasi may dala kong ekstrang damit kong saka sakali, minsan nga hindi ko pa magagamit yung iba. Pero napapanatag kasi ako kung may sobra kaysa may kulang. Kaya halod pumuputok na ang travelling bag ko sa sikip. Pagkalabas ko ng kwarto ay seryosong nakaupo doon si Nash. Tinitigan niya ako at umiling ito.
“Hindi kita itatanan Jariesha. Hindi pa, bumalik ka sa loob at iwan mo ang ibang mga damit mo.”
“Ha? Tama lang ang damit na nandito.”
Umiling ulit ito at kinuha sa akin ang travelling bag at pumasok sa kwarto ko. Sumunod ako at kitang kita ko ang ginawa niya. Kinuha niya ang mga damit sa loob ng bag at inisa isa. Sumandal ako sa pinto at tinitigan siya.
“Andami mong dala. You cant use this…and this..and even this..”
Ang lahat na dala ko ay nakakalat sa kwarto. Tumayo siya at binuksan ang closet ko. Kumuha siya doon ng isang malaking shoulder bag. Siya na mismo ang nagpili ng damit na dadalhin ko. Nanunuod ako sa kanya habang tinutupi ang mga damit ko. I found Nash so irresistible cute. Engross na engross siya sa ginagawa. Lumapit ako sa kanya.
“Tapos na.” he said
Napakunot ang nuo ko ng makitang tatlong blouse, isang maong pants at shorts lang ang nilagay niya. Hindi niya ginalaw ang sisidlan ng underwear ko.
“You must be kidding me? How can I survive with that?”
“Don’t worry. Hindi ko hahayaan na wala kang masuot. We should go.” pahayag nito at tinapik ako sa balikat at lumbas ng kwarto. Binalik ko sa loob ng bag ang mga kailangan ko at lumabas ng kwarto.
Wala siya doon at narinig ko sa labas ang maigay na busina niya. Tinitigan ko sa huling pagkakataon ang sarili ko sa salamin. I was satisfied by it. Tama lang na itong shoulder bag ang dalhin ko kesa sa malaking travelling bag na iyon. I guess it’s me and Nash will be alone again and this time malayo sa mundong ginagalawan namin.
--
Isang oras na kaming nakarating sa Boracay. Katatapos narin naming mananghalian ni Nash. Nagiisa ako ngayon sa loob ng cottage na nirentahan namin. Lumbas si Nash may bibilhin daw. Dahil narin sa pagod ay hindi ako sumama. Nanibago ata katawan ko sa byahe.
Hindi ko alam kung ilas oras ba akong natulog basta pagkagising ko ay papalubog na ang araw. I got up from bed and fix myself. Hindi na ako nagpalit ng damit, pinalitan ko lang ang sapin sa paa ng isang simpleng sandals at inayos lang ang buhok ko. Pagkalabas ko ay sumalubong sa akin ang amoy ng dagat at ang malamig na simoy ng langit.
Naglakad lakad ako sa dalampasigan, hindi ganoon karami ang mga tao kaya masisilayan mo talaga ang ganda ng lugar. Hinubad ko ang sandalyas ko at nagpaa habang namumulot ng mga seashells sa dalampasigan. Nang mapagod ako ay naupo ako sa buhanginan at pinagmasdan ang papalubog na araw.
Sa mga nakalipas na araw ay maraming nangyari. Tumigil si Jace sa panliligaw, Cloud is acting weird and something inside of me changes. Something changes because that kisses happen. Nash and I kissed in a way that couples only did. Magkatabi kaming natutulog, hindi lang isang beses dalawa pa. He cuddles and kisses me like he owns me. I respond to his kisses like it’s a natural thing to do. I care for him to much. And I even miss his presence. Alam ko may nagbago sa akin, and I know its because of Nash. That hatred I feel towards him is gone now. Tila ba natunaw yun ng mga halik, pag-aalala at yakap niya.
BINABASA MO ANG
The One I Hate (Ongoing)
Teen FictionJariesha Secang and Nash Ian Cortez were never been friends. Para silang aso't pusa. Away dito away doon. Lahat ng bagay di sila magkasundo. And then the worst thing happen. At first it was just purely hate but now its different. Lumala ang sitwas...
