"What? Are you kidding me?"
"Nope, so it's a deal?"
This nerd is insane. Fucking insane. Nagpunta ako dito upang kumbinsihin siya pero nabaliktad ang sitwasyon. May mga terms syang binigay at kong papayag ako ay sasali siya sa Mr. and Ms. Intrams.
Papayag ako alang-alang sa HRM Department pero eto? Di siguro.
"Bakit ako? Maraming iba diyan Mr. Santiago. Di ako papayag." Ngumisi siya sakin ng ilang segundo. Yumuko ito at biglang nagsalita.
"Gagamitin mo ako kaya para patas gagamitin din kita. In short mag gagamitan tayo."
"Nakakakilabot naman yang "gamitan" na yan. Pumili ka nga ng ibang ipapalit sa term na ginamit mo." Saway ko sa kanya at tinapik.siya sa pisngi ng bigla nalang itong tumawa.
"Excuse me, nasa library tayo, Santiago. Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanya.
"W-wala." sagot nito at tumawa ulit.
Anong tinatawa ng nerd na to? May nakakatawa ba akong sinabe? "Hoy! Ano nga yung nakakatawa?"
Umiling ito at yumuko. Base sa pag galaw ng mga balikat nito ay alam kong nagpipigil ito sa pagtawa.
Naiinis na ako sa patawa tawa niya kaya kinuha ko ang libro sa harapan niya at hinampas ito sa balikat niya.
Napasigaw ito sa pagkagulat. Malakas ang boses nito dahilan upang umeksena na naman ang sabay sabay na "Shhh.." ng mga scholar. Seriously? Hanggang ngayon aral pa rin? Tssk!
Dali dali kong tinuro si Jerich ng makita kong papalapit yung assistant ng librarian.
"Maam! Ang ingay niya po." pagsusumbong ko.
"Hindi po ako Miss. Siya po." turo sakin ni Jerich. Abat binalik pa sakin ha. Sinipa ko siya sa ilalim. Dahilan upang mapa sigaw ito.
"See? Siya po yun." nakangisi kong sagot. Kung di mo sana ako tinawanan di sana aabot sa ganito.
Tinitigan niya kaming dalawa. Nqpatuwid ako sa pagupo dahil sa mga titig niya. Kakainin ata ako ng buhay. Nag liit pa namang Ginang pero yung mga mata ang lake. Daig pa ata tarsier sa bohol.
"Next time kung may LQ kayo. Pwede ba wag nyong ayusin dito? Library to hindi barangay hall." Paliwanag nito na ikina kunot ng nuo ko.
Mukha ba kaming mag jowana may LQ? "First warning nyo tong dalawa. I'll be watching you Ms. Secang. I know Mr. Santiago dahil nandito siya parati sa library. Pero ikaw kalimitan kalang napapadalaw dito." Pagkatapos nitong magsalita ay umalis ito. Sinundan ko ng tingin ang maliit niyang kabuuan.
Nakaksindak siya. Narinig ko ang pigil na tawa niya kaya hinarap ko siya.
"Kasalanan mo to eh. Kung di mo sana ako tinawanan di sana tayo mapapagalitan. Ay hindi pala tayo, ako lang. Bat kaba tawa ng tawa?"
"Ha? W-wa--"
"Isa pang wala diyan sisipain kita ulit. Ano ba yun?"
"Wala nga diba? Ang kulit mo. Isa pang pilit at sipa diyan mag baback out nalang ako at maghahanap ka ng iba. Unlike me makakahanap ako ng iba na ipapalit sayo. Pero ikaw..wala!"
Hahampasin ko sana siya ng bigla niya itong sinangga ng kanyang kamay.
"Isang hampas pa. Aayaw na talaga ako. Pili ka, Ms. Secang."
![](https://img.wattpad.com/cover/12262924-288-k59349.jpg)
BINABASA MO ANG
The One I Hate (Ongoing)
Fiksi RemajaJariesha Secang and Nash Ian Cortez were never been friends. Para silang aso't pusa. Away dito away doon. Lahat ng bagay di sila magkasundo. And then the worst thing happen. At first it was just purely hate but now its different. Lumala ang sitwas...