14 [TOIH]

73 8 1
                                        

Galit na sinundan ko ng tingin ang papalayong likod ni Cortez. Walang hiya talaga! Pumito ang referee at nagstart ang laro. Last quarter na at kailangang galingan nila Mavin. Kung hindi matatalo sila ni Cortez. Ang yabang pa naman noon.

"Ate, close pala kayo ni number 17?" tanong ng freshman sakin.

Inirapan ko lang siya at di pinansin. Kasalanan ng batang to eh. Sinama pa ako sa kawierduhan niya.

"Si Ate talaga may di sinasabe." patuloy pa nito.

Hindi ko parin siya pinansin at patuloy sa panunuod. Pero itong batang to putak ng putak. Walang preno kong makahirit.

Punong puno na ako sa mga ingay niya. Gusto ko na siyang bigwasan para manahimik na. Pero kapag nag aangat ako ng tingin ay ngingiti na parang loko at mananahimik. Pero ilang segundo lang ay magsasalita ulit. Tungkol sa laro, mga players, maloli daw yung referee at ibat iba pang maisipan niyang ikwento. Namimingi na ako sa kakasalita niya.

"Mananalo na talaga ang Management Department. Ang galing ni number 17 eh. For sure talo yang kaibigan mo. Tingan mo oh, hapong hapo na. Hindi pa pinapasa ang bola. Wala--."

"Pwede ba! Manahimik ka naman. Rata-tat ng ra-tat ka diyan. Daig mo pa yung mga fangirl ni Cortez maka cheer." pagalit na sinabe ko yun sa kanya at nanahimik na.

"Galit agad? Eto naman ang pikon. Bakit nagseselos ka sa mga fans niya?" simula niya ulit.

"Pwede ba manahimik ka? Hindi ako nagseselos kaya itikom mo--."

Di ko natapos ang pagsasalita ng bigla nalang nag-ingay ang mga tao sa loob ng court. Napagawi naman ang tingin ko doon at nakita kong na sa sahig si Mavin at hawak hawak ang kamay. Samantalang si Mavin ay paikaika sa paglalakad.

"Anong nangyari?" taranta kong tanong.

"Nagbungguan ang dalawa sa pag rebound ng bola. Natamaan si 17 ng paa ni 20." sagot ng kasamahan ko.

"Yan kasi Ate. Dapat nasa game ang isip di yung nagseselos ka diyan." sabat ng makulit na freshman na to.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata at lumapit kami doon sa na injured. Nakakalakad pa naman ng maayos si Mavin. Inalalayan siya ng mga kasama niya at dinala sa bleachers. Todo asikaso kami sa kanya.

"Ate, si number 17 yung napuruhan." sabat ng makulit na freshman. Tumingin ako sa kabilang bleachers at nakita ko siyang napangiwi habang hinahawakan ang kanang kamay.

"Samahan mo ako. Puntahan natin." sabi ko sa kanya.

"Kaw nalang Te. Dito lang ako baka kailangan pa ako dito." sagot nito

Lumapit ako sa kanya at hinila siya sa kamay. "Kailangan nga kita diba? Pasaway nato."

"Wag na baka makaistorbo pa ako." nakangising sagot nito at tinulak ako papunta doon.

Nagtawag ng timeout sila ni Cortez kaya malaya akong nakadaan sa gitna ng court.

Ng makita niya akong papalapit ay nagseryoso ang kanyang mukha. Napangiwi ako at dahan dahan na nilapag ang first aid kit sa upuan at tinabihan siya.

Sobrang awkward dahil wala ni isa sa amin ang nagsalita.  Ni hindi ko magawang magtanong sa kanya kong okay lang ba siya. Ni hindi ko siya makausap dahil sobrang seryoso siya. Nakaupo lang ako doon hanggang sa mag resume ang game. Pinalitan sila pareho.

Nakangiting kumaway si Mavin sakin.Sumensyas ito na masakit ang paa. Puntahan ko daw siya. Sumenyas naman ako na teka lang. Papatayo na sana ako ng magsalita siya.

The One I Hate (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon