18 [TOIH]

60 7 0
                                        

Ng makalayo na ako sa gym ay agad akong dumeretso palabas ng Universiy. Hinang hina na sinandal ko ang boung katawan ko sa poste ng ilaw. Buti nalang at di umulan ngayon. Mahirap pa namang sumakay kapag umuulan. Napapikit ako at napakagat sa labi ng maramdaman kong may humintong sasakyan sa harap ko.

Damn! Dumilat ako at nakita kong nakabukas ang bintana ng kotse na tumigil sa harapan ko.Hindi ito kay Cortez sigurado ako. May munting pitik ako na naramdaman sa loob loob ko ng malamang hindi siya ang tumigil sa harapan ko. Maybe because I expected that he was gouig to run after me. Tinitigan ko ang kotseng nasa harap ko. Hindi ko alam kong sino ang may ari nito. Kaya napag isipan ko nalang na lumayo. Baka kung sino pa yun at napagkamalan akong nagbebenta ng aliw. Medyo madilim dilim narin kasi. Bumalik ako sa loob ng University at nakita ko paring nakasunod ito. Agad akong kinabahan ng maalala ko ang taong tawag ng tawag sa bahay. Binilisan ko ang paglalakad at pero sunod ng sunod parin ito. Hanggang sa tumigil ito at bumaba ang nagmamaneho dito.

Napahawak ako sa bag ko at inihandang ihampas ito kong sakasakaling lalapit siya.

Madilim sa kinatatayuan niya kaya di ko maaninag ang kanyang mukha. Lumapit ito sa akin dahan dahan.

"Sino ka? W-wag kang lumapit." banta ko pero patuloy parin ito sa paglalakad. Umatras ako pero pader na pala ang nasa likod ko. Nakapamulsang nakalapit na siya kay boung lakas kong hinampas ang bag ko sa kanya.

"Fuck!? Yesha ano ba?" sigaw nito. Ng makalapit na siya ng tuluyan ay nakita kong si Jerich yun. Ang walang yang nerd. Sinugod ko siya at hinampas ulit.

"Gago ka! Walangya ka. Tinakot mo pa ako! Muntik na akong mahimatay? Akala ko psychopat killer! Gago ka talaga!"

Hinarang niya ang kanyang mga braso sa kanyang mukha . Ang walangya tawa ng tawa.

"Wag kang tumawa diyan, Santigao! Andami mo ng atraso sa akin. Gago ka talaga." tumigil ako sa kakahampas sa kanya at lumayo.

Kotang kota na ako sa mga kagaguhan ni Jerich. Punong puno na ako. Ako pa talaga ang pinagtripan ha? Ako pa talaga.

"Yesha, sorry na. Di ko naman alam na matatakot ka."

"HINDI MO ALAM? ANG TALI TALINO MO TAS DI MO ALAM! MUNTIK NA AKONG MAMATAY SA TAKOT!" boung lakas na sigaw ko sa kanya.

"Hey, chill. Im sorry okay? Ihahatid na kita." sagot nito

"Manhid kaba Jerich? Galit ako sayo kaya umalis ka." mabilis akong umalis at iniwan siya.

Napaiyak ako.sa inis, takot at galit.

"Bwisit!"

"Anong kaartehan yan?" anang bagong boses sa gilid ko. Kilala ko ang boses na yan. Kilalang kilala.

"Cortez please lang. Wag ka ng dumagdag sa galit ko." mahina pero may diin kong sagot sa kanya.

"Inaano ba kita? Tss. Arte." sagot nito at naglakad papalayo sa akin.

Ng makalabas na ako sa University ay agad akong nag abang ng Taxi o di kaya ay  Jeep.

Sakto namang may dumaan kaya sumakay na ako. Nakakainis ang araw na to.

--

"Hoy! Isang linggo mo na akong di.pinapansin ha. Yesha naman." anang si Jerich na kanina pa sunod ng sunod.

"Misha pupunta ako sa linggo sa bahay niyo. May hihiramin akong DVD."

"H-ha? Oo nasa bahay naman ako sa araw na yun." naiilang na sagot ni Misha. Sinong di maiilang e, parang tanga na sunod ng sunod sa amin si Jerich. Naging crush kasi to ni Misha kaya etong kaibigan ko naiilang.

The One I Hate (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon