13 [TOIH]

88 9 1
                                    

Intramural week started. We are excited yet nervous. First day was a blast. Cheering competition was awesome. Lahat ng Department ayaw mag patalo. Lahat magaganda, may ibubuga. Nakakakaba lalo na at kasali si Misha at nasa tuktuk pa siya ng pyramid.

Sa last routine nila muntik ng mabitawan ng lalake si Misha. Hindi yun halata dahil nasa likod sila. Pero kitang kita namin ni Cloud. Pagkatapos ng performance ay may lalakeng bigla bigla nalang yumakap kay Misha at nagbigay ng bulaklak. All the people have seen that. May nagpalakpakan at naghiwayan. Tatawa na sana ako at maki palakpak ng bigla nalang naki eksena si Cloud at hinigit ang kamay ni Misha paalis. Well, that was Wow! Akalain mo selos na selos na pala yung mokong. At yung lalakeng yun? Doon nakatunganga at di maipinta ang mukha.

Nakasalubong ko si Misha sa hallway papuntang Gym. Dali dali kong sinalubong siya at hinila papuntang Cafeteria. Nakabusangot na sumunod siya sakin. Nakangisi ako habang nakatunganga sa kanya.

Mangilan ngilan lang ang mga tao na nandito.

"What?!" asik sakin ni Misha

"Magkwento ka nga, Misha! Anong nangyari kahapon?" tanong ko sa kanya

Nag-iba ang emosyon niya at tumingin sa malayo. "Ayaw kong pag-usapan." tipid na sagot niya

"Ha? Selos na selos yung mokong no?"

"Selos? Sana nga."

"Teka ha. Anong sayo? Treat ko, kakabigay lang ng allowance eh."

"Ikaw na bahala."

Walang gaanong pumila kaya nakabili agad ako. Dalawang chocolate cake at dalawang soda. Paalis na ako ng makasalubong ko ang Demonyo.

"Uh..uh.. To much sweet. Masisira ang diet." pahayag nito sabay suri sa katawan ko

"Haha!" pagak na tawa ko at inungusan siya.

"Bagong cellphone?" tanong nito. Humarap ako at nakita kong hawak hawak nito ang cellphone na bigay ni Jerich. Paanong nakuha nya yun ng di ko maramdaman?

"Tss! Akin na nga yan! Bilis ng kamay, ah. Halatang sanay."

May pinindot pindot siya doon at tumingin sakin. Ngumisi ito at nag salita "Regalo ng boyfriend?"

"H-hindi ah. Bigay ni--Teka bat ba ako nagpapaliwanag? Pakialam mo kong kanino galing?" singhal ko sa kanya

"Just askin. Si Jerich Santiago to ah. Saan kinunan to? Nag date kayo? Profile pic nya to ah. Kayo na? Kelan pa?" sunod na sunod na tanong nito pero nakatingin sa cellphone ko.

"Masyadong matanong? Close? Pa FC to ah. Akin na nga!" nilapag ko sa counter yung binili ko at inagaw ang cellphone sa kanya, binigay niya naman ito.

"Close naman tayo ah. Hindi lang close super close pa. Parang ganito." nakangisi niyang sagot at sabay na pinagdikit ang dalawang hintuturo.

The One I Hate (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon