10 [TOIH]

74 9 1
                                    

Kinaladkad ako ni Cortez papunta sa Field sa di ko malamang kadahilanan. Ni hindi manlang naka angal si Cloud sa ginawa niya. Hapong hapo akong umupo sa damuhan. Nakatalikod siya at naka angat ang ulo sa langit.

"Ok ka lang?" tanong ko sa kanya. Ako talaga ang nagtanong ha? Bait mo talaga Yesha.

"Mukha ba akong okay?" galit itong lumapit at umupo malayo sakin.

"Nagtatanong lang. Ano bang problema? Bat mo ko dinala dito?" tanong ko pero nasa damuhan ako nakatingin.

Bat nga ba ako nandito? Why I am here? With this guy? Bakit may ginawa na naman ba akong kinagalit niya? Di ko alama eh, paki explain naman Cortez! Nagsasayang ako ng oras sayo eh. Hello, may klase pa ako.

"Yesha!" sigaw nito

"Ano?!" nasigawan ko din siya sa pagkagulat

"Kanina pa kita kinakausap nakatunga nga ka lang diyan."

"Teka! Ako dapat ang magalit hindi ikaw. Bat mo ko dinala dito?"

"Bat ka sumunod?"

What? Bakit nga ba ako sumunod? Kinaladkad ka niya Yesha, remember.

"Kinaladkad mo po ako. At di ako sumunod sayo napilitan lang. Tsura nito."

"Kung ayaw mo edi sana pumiglas ka. Tumakbo ka papalayo pero hindi eh, sumama kapa."

"Alam mo di kita gets. Ano ba talaga ang kelangan mo sakin?"

"Ako may kailangan sayo? Asa ka!" Tumawa ito at tumayo. Nakapamulsa itong umalis sa harapan ko.

Ano yun? Kinaladkad ako dito tapos iiwan? Kanina galit na galit ngayon naman tawa ng tawa. Men! Minsan ang hirap nilang e-explain eh. Ang sakit sa bangs.

"Hoy! Ano ba talaga?"

"Wala lang. Gusto ko lang na di ka makaabot sa surprise  quiz ni Ms. Fines." sabi nito at tumawa ng napakalakas

Shit! Oo nga pala, si Ms. Fines ngayon. Arggh!  Siya yung klase ng guro na bigla bigla nalang magbibigay ng quiz. Kahit nang papalapit na ang intrams magbibigay parin. Surprise daw, para masaya. Siya lang naman tong nasisiyahan. Yang si Cortez nayan, napaka laking halimaw niya. Ang sama sama ng nilalang nato. Ang sama- sama.

Walang bato akong makahanap kaya binato ko na naman siya ng bracelet ko. Mabigat ito at maraming buroluluy na nakasabit. Sapol siya sa ulo. 

"Aray! Ano ba? Bat binato mo ako?" humarap ito at naglakad papalapit sakin. Dali dali naman akong tumayo at tumakbo papalayo sa kanya. Tumakbo siya pero mas binilisan ko ang takbo. Hapong hapo akong pumasok sa loob ng klase.

"Oh, Miss Secang you just miss my surprise quiz. Bye class." umalis ito at nginitian pa ako. Grrr! Makikita ng Cortez nayan. Kala mo ha!

--

"Yesha anong pinagusapan niyo ni Nash?" tanong ni Cloud vacant at tinext ko si Jerich na magkikita kami dito sa library. Yung babae kasi naming contestan kumuha ng trainor. Idea ng mga classmates niya. Eto lang si Jerich na ayaw mag train. Kaya niya daw.

"Ayaw kong pag-usapan."

"Ahh...ok! Tagal naman ng Santigao na yun."

Speaking of the Nerd. May dala dala siyang libro at nagpupunas ng pawis habang papunta samin. Ngumiti ito at umupo sa tabi ko.

"Late ba ako?"

"Ay, hindi ang aga  mo nga eh. Sana nagpalate ka ng konti." sarcastic kong sagot.

The One I Hate (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon