6 [TOIH]

84 8 2
                                        

 "Ako!"

Galit na galit akong lumapit sa kanya pero ang walangya nakangisi parin.

Bat di ko manlang napansin na nandito siya at puro Management student ang nandito. Pawis na pawis siyang nakapamaywang na humarap sakin.

"Ikaw ang nagtapon ng bola?" kalmado kong tanong.

 "Oo." tipid niyang sagot

"Ah kaya pala. Ni sorry wala kasi ang isang tulad mo ang nagtapon ng bola."

"Tulad kong ano?" inayos niya ang sintas ng sapatos niya at humarap ulit sakin.

"Tulad mong walang hiya at walang respeto sa kapwa!"

"Ouch!" pahayag niya sabay hawak sa dibdib niya na tila nasasaktan.

"Edi Im sorry. Sorry lang pala gusto mo galit ka agad. Ang OA mo."

Nadoble ang inis ko dahil sa sinabe niya. Ni hindi ako nag dalawang isip na ibato sa kanya ang bolang hawak ko. Sapol siya sa tiyan pero di naman ininda ang sakit. Nakapamaywang parin siyang nakaharap sakin.

"Sinong di magagalit? Ni hindi nyo ko pinansin at tinulungang makatayo. Napakalaking bagay sana kong nag sorry ka pero wala eh."

"Sorry na. Okay na? Pinapalaki pa kasi ang issue eh. Hindi ka naman nasaktan. Natumba ka lang. Buti sana kung dumugo yang ilong mo. Yun for sure mag papanic kami. Kaso nga okay ka naman. Nakuha mo pang sumigaw at makipag sagutan sakin eh. See youre totally okay. Masyado ka lang kasing OA Ms. Secang."

"Tss! Always naman eh."sabat ng babaeng myembro ng cheering squad

"OA ng babaeng yan. Kala mo ang ganda ganda. Sa Cafeteria ganyan din siya maka react " and that is Margareth

"Kasalanan din naman kasi namin kasi di namin siya tinulungan." sabat ng isang lalake na ka team mate ni Nash. Kahit papaano pala may matino din sa grupo na to. Tinitigan ko ng masakit ang mga babaeng nagbubulungbulungan at binalik ng atensyon kay Nash.

"Napaka OA mo Jariesha. Sobrang OA." nakangisi niyang pahayag

"Kasalanan mo--"

"Practice ulit tayo. Wag nyong pansinin yang baboy na yan." biro nito na naging dahilan ng tawanan ng grupo. Ang sarap niya talaga pagbabatuhin ng bato. Nakayukong umalis ako sa loob ng basketball court.

"Miss!" lumingon ako sa pinang galingan ng boses.

Tumatakbong papalapit sakin ang ka team mate ni Cortez. Matangkad ito at gwapo. Ibinigay niya sakin yung bago ko na namang bracelet. Nahulug siguro kanina.

"Salamat." Ngumiti lang siya at bumalik sa nag-uumpukang management students. Bago ako makaalis ay narinig ko na naman ang bwesit na boses ni Nash.

"Jes, crush mo yun? Ang panget ng mga type mo." Lumukob ang tawanan sa loob ng court. Bago pa ako makagawa ng brutal moves ay lumabas na ako at walang lingon  likod na umalis papalayo.

Damn Cortez! Makakaganti din ko.

****

"Cloud! Hoy!" sigaw ko sa nakamukmuk na si Cloud

"Ano?!" sigaw nito pabalik sakin.

"Hello! Kanina pa kaya kita kina kausap."

The One I Hate (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon