9 [TOIH]

102 8 2
                                        

"Ate kagabi ba may tumawag?"

"Oo, bakit my tumawag ba kanina?"

Nagluluto ako ng almusal namin. Itlog na nilaga at noodles. Araw-araw yata, eto lang ang kinakain namin. Bukas pa magpapadala ng pera si Mama at Papa. Every last saturday of the month kasi nagpapadala sila.

"Meron ba kanina?"

"Oo Te, di naman sumasagot. Ate nakakasawa na yang almusal natin." sabay tingin doon sa sinasandok kong noodles at itlog na nakasalang sa kaldero.

"Wag kang mag- alala. Sa lunes ipriprito ko tong noodles at sasabawan ko tong itlog para maiba naman." biro ko sa kanya

"Ate naman eh. Ate wala na akong baon, may project kami doon ko ginastos."

Kinuha ko yung Apron sa bewang ko at tinupi. "Kunin mo yung gamit ko sa kwarto, yung bag, libro at hugasan mo tong pinggan pagkatapos."

"Palautos naman si Ate" nakabusangot nitong reklamo

"Ayaw mo? Wala kang allowance." Patakbo siyang pumasok sa kwarto ko. Lumabas siya sa kwarto ko na maraming bitbit. Nakapatong sa balikat niya ng backpack ko habang nasa kamay niya naman ay ang mga librong dapat kong ibalik sa library.

"Akin na te."

"Yung pinag kainan natin hugasan mo."

"Hay!" nang matapos siyang maghugas ay inabot ko sa kanya ng pera. "Magtipid ka naman."

"Oo te, sige bye."

"Bye ka diyan sabay tayo."

---

"Alam mo pag tayo nabuking bahala ka."

"Ano kaba di yan."

"Bahala ka, gugutumin mo ako?"

"Bibili lang ako. Wag kang aalis diyan."

"Yeah."

Bumalik si Jerich bitbit ang chocolate cake at isang strawberry shake. "Ayaw ko ng strawberry, palitan mo."

"Tss. Arte!" bumalik ito na may dalang Fit N Right.

"Thanks!" he smile and sit beside me. Umakbay ito sakin at pinatong niya ang ulo ko sa balikat niya.

Nandito kami ngayon sa Messy Cake Shop. Malapit lang ito sa school kaya maraming mga taga St. Joseph at mga high school students. Well, we are here because dito magaganap ang misyon ko. Aakk! Misyon daw. Dito magaganap ang paglilinlang ni Jerich. Panloloko kamo. Ewan ko ba sa taong to bat ako ang pinili. Siguro walang choice

"So paano ako kakain? Susubuan mo ako." biro ko sa kanya

"Gusto mo? Ang sweet mo talaga." saad nito sabay kurot sa pisngi ko. Lumapit ito sakin at bumulong. "Just go with the flow, Yesha."

Tumango ako at bumulong sa kanya."Nandito na siya?"

Lumayo ito ng konti at malakas na nagsalita. "Yes, baby!"

"Rick?" humarap ako sa pinang galingan ng boses. Nakatayo sa harapan namin ang babaeng naka highschool uniform. Kulot ang buhok nito at medyo payat. Maamo ang mukha nito at nakasalamin.

"S-sino siya Rick?"

"Hi Mariela, si Yesha girlfriend ko." nakangiti akong nag abot ng kamay pero di niya tinanggap. Binaba ko nalang ito at sumubo ng cake.

The One I Hate (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon