Part 1

276 16 1
                                    

JAPETHER


"Japether Villamayor! Ano na namang kaguluhang ginawa mo sa eskuwelahan mo?!"

"Mommy! Relax ka nga muna. Sinasabayan mo ang init ng panahon at ang hotness ko, e."

Ang init kasi ng ulo ni mommy, kita na nga'ng alas-dose pa lang ng tanghali, so malamang tirik na tirik na ang araw sa labas.

"Heh. Tigil-tigilan mo 'ko sa cajoling strategy mo, Japet, ha! Manang-mana ka talaga sa tatay mong hoodlum!"

Umupo na lang ako sa couch na nasa loob ng office ni mommy. She's a writer/attorney kaya minsan masiyadong malalim ang words na ginagamit niya sa pagpapangaral sa akin.

"Ano na naman ba itong bagong gulong pinasukan mo?" pagpapatuloy niya. Halata sa boses niya na disappointed siya sa nalaman niya this morning. Umupo na rin siya sa katapat na couch na kinauupuan ko.

"Niligtas lang naman po namin-"

"By setting fire to a garden that almost burned your school building? My God, Japether, this is too much! You really need disciplinary actions!" napahawak si mommy sa sentido niya, indicating that she's really pissed off.

"S-sorry po, Mom. Aksidente lang po talaga ang lahat."

Aksidente naman talaga kasi ang lahat. At saka, kahit inamin ko kanina, hindi talaga ako ang may gawa no'n.

"May niligtas tapos aksidente ang lahat? Your reasons are not consistent. And why do you think I should accept that kind of stupid explanation, Japet? Your stubbornity level is too much. I will call your father para ma-discipline ka!"

Hala?!

"M-Mommy... 'wag naman po! Ayaw ko ro'n kina daddy. Dito na lang ako sa inyo. Promise po magpapakabait na ako, basta rito lang ako sa inyo, My!" lumapit na ako sa kaniya sabay luhod sa haparan niya. "My! Gagawin ko lahat basta 'wag n'yo lang akong ipadala sa probinsiya ni daddy! Maraming aswang do'n, Mom!" patuloy na pamimilit ko. I mean it. I really mean it. Everything I said.

"Ano na lang ba ang gagawin ko sa 'yong bata ka? You're giving me too much headache," hopeless na sabi niya. "Sige na, sige na, hindi na kita ipapadala ro'n-"

"Yes! Thank you, Mommy! You're the best mother in the whole wide world!"

Sa sobrang saya ko, napayakap ako kay mommy.

"Cajoling strategy mo, Japet, ha, bawas-bawasan mo. Hindi kita ipapadala sa province ng tatay mo, in one condition."

Tinanggal niya ang kamay kong nakayakap sa kaniya tapos hinarap ako gamit ang madiin niyang tingin. Napaupo tuloy ulit ako sa couch na kinauupuan ko kanina.

"Spill it, Mom."

"Sa San Sebastian ka pupunta and you are going to transfer a school."

What?

Literal na napanganga ako sa sinabi ni mommy. Hindi sa ayaw ko sa probinsiya niya pero magta-transfer daw ako? What?

"One week suspension lang 'yong ipinataw sa akin, bakit kailangang mag-transfer na?"

"Oh? 'Di ba ang sabi mo, gagawin mo lahat? Bakit? Ayaw mo ba? Okay, I'll call your dad then-"

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon