Part 25

25 7 0
                                    

PERRIWINKLE


“Perry, okay ka lang ba talaga?” pang-isang daang beses na tanong na yan ni Juniper. Mag-mula nung dumating siya sa apartment kaninang umaga hanggang sa natapos nalang ang misa ay wala siyang ibang tinanong sakin kundi yan.

Sumama ang tingin ko sa kanya. “Okay, hindi ako okay. Okay na?” pagsusuko ko sa kanya.

“Bakit? Ano bang nangyari?” napa-irap ako sa ere nung ma-alala ko kung bakit hindi ako okay. “Ah! Alam ko na kung anong magpapa-okay sayo, tara.” At bigla nya po akong kinaladkad papalayo sa simbahan. Wala akong idea kung saan kami pupunta, nagpapakaladkad lang ako sa kanya. May tiwala rin naman ako kay Jun eh. “Ikain nalang natin yan ng shawarma, alam kong magiging okay ka.” Tumango siya sakin matapos niya akong pa-upuin at biglang pumunta sa counter ng isang store na hindi ko natignan ang pangalan.

Iginala ko nalang ang tingin ko at doon ko nga nakita ang pangalan. Leylam.

Pagbalik niya sakin ay may bitbit na siyang isang tray. Agad niyang binigay sakin ang isang shawarma wrap. “Naks, alam mo talaga kung anong makakapag-pasaya sakin ah.” Komento ko habang kinukuha ang ibinigay niya.

“Ako pa, kahit hindi tayo masyadong nagpapansinan ay alam ko pa rin kung anong makakapag-pasaya sayo no.”

“Ay ibaaaaaaaa.” Pangangantyaw ko sa kanya.

“Pero wag mong ibahin ang usapan no? So bakit nga hindi ka okay?” nag-iba ang mood ko nung marinig ko na naman ang tanong niya. Kumagat muna ako sa shawarma ko bago siya sinagot.

“Eh kasi, mag-isa lang ako sa apartment. Tinakot ko yung sarili ko kaya ayun, magdamag akong gising.” Kumagat ulit ako atsaka nilunok. “Kulang sa tulog lang tong nararamdaman ko kaya wag kang OA dyan Jun.” inirapan ko siya atsaka pinagtuonan ng pansin ang pagkain ko.

“Edi sana tinext mo ko o di kaya’y tinawagan, para naman kahit papaano ay may kasama ka. Pwede na rin yung iba, atsaka sana sinabi mong hindi mo kayang mag-isa sa apartment, edi sana hindi ka nag-iisa doon.” Nagbalik ang tingin ko sa kanya.

“Ikaw? Magte-text? Eh hindi ka nga marunong kamustahin ako tuwing bakasyon eh. Wala sa bokabolaryo mo ang pagte-text, kaya ka hindi nagkaka-girlfriend eh, kasi hindi ka marunong lumandi katulad ni Fernando Shawn,” at nagsasabi po ako ng totoo, ano. “Atsaka puro ka sana, eh tapos na, wala na tayong magagawa. Tinakot ko na yung sarili ko at nagkulang na ako sa tulog kaya wag kang ano dyan.” Inambahan ko pa siya ng suntok bago ipinagpatuloy ang pagkain. Infairness, ang sarap ng shawarma ha.

“Sure ka talagang yun lang? Wala ng iba?” pagpipilit niya kaya konting-konti nalang ay ma-iinis na ako kay Juniper Ibarra.

“Sure nga ako!” pagdidiin ko sa kanya para maniwala na talaga. “Pero alam mo, sa tingin ko ito yung pinaka-matagal na weekend sa tanang buhay ko, pansin mo ba?” pag-iiba ko sa usapan. Napatingala pa siya nang panandalian kaya napatingin na rin ako sa kung saan siya nakatingin. “Ano bang tinitignan mo dyan?” curious na tanong ko kasi kisame ng store lang naman ang nakikita ko.

“Eh si Awtor kasi, ang tagal mag-fast forward. Ilang chapters na tayo sa weekend na ito, hindi pa rin matapos-tapos. Ang tagal niya pang mag-update kaya ayun mas lalong tumagal.”

“Ha?” wala talaga akong maintindihan sa mga sinasabi ni Jun. “Mukhang ikaw yung hindi okay eh.”

“Wala, ang sabi ko ganun talaga pag mag-isa ka lang sa apartment, mas mararamdaman mo ang bagal ng takbo ng mundo.” Kumagat siya sa pagkain niya at ganun din ako.

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon