Part 16

38 9 0
                                    

PERRIWINKLE

PUMASOK ako ng school campus ng nagtataka. Alam kong ang weird ng ambiance ng school nato, a melancholic ambiance. Pero iba talaga ngayon eh. Ako lang ba talaga ang nakakapansin sa masasamang tingin ng mga babaeng nakakasalubong ko? Ako lang ba nakakapansin sa tingin nila sakin na mula ulo hanggang paa? Ako lang ba nakakapansin sa mga tingin nilang parang naka-glue na sakin, sa tingin nilang parang nandidiri sila sakin? Sa mga tingin nilang parang may nagawa akong masama sa kanila-- gawain na pinandidirihan nila.

Sinawalang-bahala ko nalang yun, baka kasi nagiging praning na ako. Umakyat nalang ako sa 3rd floor ng Grade 10 Building kasi nandun yung Grade 10-G classroom. 10 minutes pa bago ang time pero halos makumpleto na ang mga kaklase ko sa loob ng classroom. At gaya ng nasa labas na nakakasalubong ko ay ganun din ang mga tinging natatanggap ko sa loob ng classroom namin, maliban sa dalawang taong kilala ko.

Na-we-weirduhan na talaga ako pero pinipilit kong iwaksi sa isipan ko na wala lang ito-- na praning lang talaga ako.

Katabi ko si Madam sa upuan pero hindi sya sakin nakatingin, may feeling din akong iniiwasan nyang magtama ang mata namin. Si Iris nalang yung tinignan ko na saktong naka-tingin din sakin. She mouthed 'Okay ka lang?' dahil nga nasa second row sya at malayo sakin. Nag-thumbs up lang ako sa kanya kahit na medyo na-weirduhan ako sa eskpresyon ng mukha nya habang tinatanong yun, regular na sinasabi sakin ni Iris yun simula nung makilala ko sya pero ngayon lang may halong pag-aalala ang pagsabi nya nun.

Discuss discuss discuss discuss

Natapos ang two subjects namin this morning ng matiwasay, no violent reaction to be exact (nakakahawa mga kaklase ko, napapa-english ako sa masasamang tingin nila sakin) . Club day ngayon kaya half day ang mga klase every Friday.

Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko sa bag ay narinig ko ang bulungan ng dalawa kong kaklase sa kaliwa ko, tss, nagbulungan pa sila, dinig ko naman

"Omg, I didn't know ganyan pala sya." -Girl 1

"She's just new here and she already got that position? Mygad, she don't deserve that." -Girl 2

"Napaniwala ako ng article because it has evidence on it. The MCT never missed a shot girl." -Girl 1

"Lopez and Miranda, as far as I remember this is not a gossiping den. This is a room for learning-- a classroom to be exact." napatingin na ako sa dalawang babae-- na kaklase namin-- at kay Madam na kaharap na nila "I wish this will never happen again. Go out and take your lunch." Ramdam ko sa dalawang kaklase ko ang takot nila. Bigla nalang din sila lumabas ng classroom. Hindi ko alam kung sino at ano yung pinag-uusapan ng dalawa kong kaklase at aaminin ko na medyo nagulat ako sa inasta ni Madam sa kanila.

Naglalakad na si Madam palabas ng classroom ng bigla syang huminto sa may pintuan, kitang-kita ko mula dito yung dark aura nya "I don't know what really happened but I trust your explanation, Alferez." at yun ang mga katagang huling sinabi nya bago lumabas ng classroom. Naramdaman ko naman agad ang presensya ni Iris sa likuran ko sa pamamagitan ng paghawak nya sa mga balikat ko.

"Okay ka lang ba talaga Perry?" hinarap ko si Iris.

"Ang weird nang mga tao ngayon ha? Ano bang meron? Tsaka naintindihan mo ba yung sinabi kanina ni Madam? Ano bang ibig sabihin nya?" mapakla kong sabi kasi feeling ko talaga may tinatago ang mga taong nakapaligid sakin. "Magkita nalang tayo sa canteen Ris, dadaan muna ako sa locker ko."

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon