Part 30

18 2 0
                                    

PERRIWINKLE




May nangyari ba kagabi? Bakit ba kasi hinang-hina akong makaalala sa mga nangyari? Basta ang alam ko, nakipag-usap lang ako kay... oo nga pala. Walang hiya naman, oo. 

Napahilot na lang ako sa sentido ko nang may dumaang aalalang kagabi lang nangyari. Katatapos lang ng huling klase ko sa araw na ito at nandito na ako library para sa duty ko pero simula no'ng bigyan ako ng task ni Blood na i-arrange ang mga isinaoling libro at ibalik sa places na ito, doon lang ako nagkaroon ng chance para maalala ang mga nangyari kagabi. 

Nangyari ba talaga ang lahat ng iyon? Ang weird lang kasi talaga. Nakikipag-usap lang naman ako sa kaniya no'ng gabing iyon tapos paggising ko, nasa kama ko na ako, prenteng nakahiga at nakadamit pangtulog na. Itanong ko kaya sa mga itlog? Paniguradong may alam ang mga iyon at paniguradong magsasabi naman 'yon kung mayroon naman talagang nangyari, 'di ba? Kahit mga bugok na itlog sila pero maaasahan na itlog ang mga iyon, ano. 

Mabigat pero mahina akong nagbuntonghininga habang nagpapatuloy sa ginagawa ko. 

Perriwinkle naman kasi, bakit ka naman nag-iisip? Hindi ka naman nag-iisip 'di ba? Tama na nga 'yan, sagabal lang 'yan sa ginagawa mo ngayon. 

Mahigit isang oras yata akong nanatili sa mga bookshelf, sa may sulok, para lang mag-ayos ng mga libro. Bakit kasi dito pinagkukuha ng mga estudyante ang mga libro nila. Ano bang kinalaman ng mga nonsense fiction stories na ito sa pag-aaral nila? Pinagti-trip-an lang ba ako ni Blood? 

Bumalik ako sa table nang librarian, tulak-tulak ang isang cart kung saan ko nilagay ang mga librong pinagbabalik ko kanina sa mga lugar nito. 

Wala na si Miss Librarian. Ang nakikita kong nakaupo sa espasyo ni Miss Librarian ay si Blood habang si Irish naman ay nasa tapat nito at mukhang nag-uusap. Si Ate Peach naman ay mukhang paalis na ng library pero hindi natuloy kasi bigla niya akong nakita. 

"Perry, mauna na ako, kayo nang bahala ni Blood mag-close ng lib ha?"

"S-sige, Ate."

Kumaway na lang ako sa kaniyang madaliang pag-alis. Mukhang nagmamadali nga. 

"Thank God, you're done! Natutulog ka ba sa kasulok-sulokan ng library at ang tagal mong natapos?"

"Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko pa sa kaniya. 

Pero imbes na sagutin ang tanong ko, nilingon niya si Blood na mukhang nag-aayos na rin ng gamit. 

"Are we good here, girl, right?"

"Yep, we're all done. Si Perry lang naman talaga ang hinihintay kong matapos."

Isinantabi ko 'yong cart na tulak-tulak ko kanina at saktong ibinato ni Blood sa akin ang bag ko. 

"Tara na. Wala na namang tao tapos wala na rin si Miss. Uwian na," maarteng sabi ni Blood. 

Buti nasambot ko 'yong bag ko kaya natawa na lang ako sa naging reaksiyon nitong si Blood. Ang girlalu talaga ng baklang two. 

"You're so sad looking and I'm not used to it... at dahil d'yan, let's go to the coffee shop, treat ko!" 

Sinamaan ko ng tingin si Irish dahil sa sinabi niya.

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon