Part 26

37 7 0
                                    

PERRIWINKLE


“Sabihin mo na ngayon kung anong sadya mo rito? Paano mo nalamang dito kami nakatira? Paano mo nalamang kasama namin si Perry?” narinig kong sunod-sunod na tanong ni insan sa kaniya kaya bigla kong na-inom ang hawak na tubig ni Iris.

Sunod-sunod ang naging paghinga ko dahil hanggang ngayon ay pinapa-kalma ko pa rin ang asthma ko. Hindi ko alam kung bakit ako inatake, wala namang nag-triggered na iba kundi yun lang nangyari kanina.

“Nandito ako para kay Perry, hindi para sa inyo.” Tumingin ako sa kaniya nung bigla siyang mag-salita. Inilayo nila ako sa kaniya kaya hindi ako maka-lapit sa kaniya.

“Sino ngang nag-sabi sa iyo na nandito kami?” nawawalang pasensyang tanong ng pinsan ko kaya nag-pasya akong tumayo na.

“Insan, ako nalang ang kaka-usap sa kaniya, total ako lang din naman ang pinunta niya rito.” Sabi ko na sa kaniya lang nakatingin, nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko pero hindi ko magawang ngumiti.

“Ano?! Hindi Perry, mag-uusap kayo sa harapan namin!” napa-kamot ako sa noo ko dahil sa sinagot na naman niya.

Ang OA INSAN HA!

“Sige na insan, ako nang bahala rito, mabilis lang to.” Assurance ko naman sa kaniya. Tinignan ko yung iba para naman manghingi ng back-up. Agad din naman nilang sinunod ang gusto ko. Inakbayan nila si Sage papalabas, pati si Iris ay sumama sa kanila.

Nung tuluyan na nga silang maka-labas sa apartment ay tsaka ako tumayo ilang dipa ang layo sa kaniya. “Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin.” Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang sakit noong araw na sinaktan niya ako, nung pina-asa niya ako.

“Kamusta ka na?” napatingin ako sa kaniya dahil sa tono ng boses niya, malawak din ang ngiti niyang nakatingin sakin. “Alam mo ang dami kong pasalubong sa iyo, binili ko lahat ng cow stuff toy na nakita ko noong bakasyon namin. Na-alala kasi kita—“

“Bakit ka ganyan?” mas lalo akong na-inis nung mag-simula na siyang mag-kwento, at tuwang-tuwa pa talaga siya habang kinu-kwento yon. Natigilan siya sa sinabi ko kaya nagpatuloy ako. “Bakit ka ganyan umakto? Bakit parang wala lang sayo yung nangyari?” gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko na wag kasi baka mas lalong lumaki ang ulo ni Grey pag nakita niyang umiiyak pa rin ako nang dahil sa kaniya.

“Perry—“

“Bakit ka nagpakita sakin? Bakit mo ako hinanap? Bakit kailangang magpadala ka ng sulat gamit ang Tatay mo? Bakit kailangang nandito ka ngayon sa harapan ko at kung makapag-kwento ka, parang wala lang sayo yung nangyari? Bakit ka ganyan Greylance?” pero hindi ko pala kayang pigilan ang luha ko.

“Kasi napagtanto kong mahal pala kita.” Umurong ang luha ko at dahan-dahan akong tumingin sa kaniya dahil sa sinabi niya.

“Napagtanto mong mahal mo ako?” tanong ko ulit sa kaniya, “Grey, ganyan naman diba? Tsaka mo lang sasabihin na mahal mo ako pag tapos na ang lahat? Pag nagsisi ka na. Kasi Grey, kahit ilang ulit mo pang sabihin sa akin yan, hindi pa rin mababago ang katotohanan na sinaktan mo na ako, na hindi mo ako minahal nung mga panahong mahal pa kita.”

“Kaya nga ako nandito para itama ang mga mali ko, please give me a chance Perry. I’ll assure this time it will be real, it will be only us.” Lumapit siya sakin at akmang luluhod sa harapan ko pero pinigilan ko na siya sabay pahid sa mga luha ko.

“Tama na Grey, ilang taon na akong nagpaka-tanga sa iyo, bigyan mo naman ako ng pagkakataong ayusin ang sarili ko, ang mahalin ang sarili ko. Pasensya na pero hindi ko matatanggap ang gusto mo. Besides, masyado pa tayong bata para sa ganito.” Umalis ako sa harapan niya at iniwan siya roon para magkulong sa kwarto.

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon