Part 23

28 7 0
                                    

PERRIWINKLE


“I’m Fire, ang magbibigay init sa puso mong sing-lamig ng yelo.”

Pfft.

Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya.

Ano raw?!

“Sorry pero hindi talaga kita kilala.” sabi ko then naglakad na ako. Ayoko na yung pansinin, baka kasi may saltik yon eh. Kung anu-ano ang sinasabi.

Malapit na ako sa may gate nang biglang may pumigil sakin. “Teka Perry, uuwi ka na ba? Ihahatid na kita.” Sabi niya nung makaharap ko na siya.

Nagtaka pa ako nung makitang nakalabas na siya sa sasakyan niya at nasa harapan ko na siya ngayon.

Teka, ang bilis naman niya?

Tsk, sabagay ang iigsi kasi ng bias ko kaya ang daling maabutan pag hinabol. Kaya siguro hindi ko maabutan si Grey dahil ma-igsi ang bias ko sa paa. Ang hirap niyang habulin.

“Ay tang ina, nagawa ko pa talagang mag-hugot.”

“Huh? Ano yung sinabi mo?”

Shet!

Agad akong tumingin sa kanya at hilaw na ngumiti bago nag-kamot sa ulo. “Wala, wala kang pakealam. Hindi kita kilala kaya hindi dapat ako nakikipag-usap sayo ngayon.” Sabi ko atsaka tumalikod dahil nga hindi ko naman siya kilala.

“Nagpakilala na ako kanina.”

Sa ikatlong pagkakataon ay napahinto na naman ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya kaya lumingon na naman ako sa kanya.

“Gagu, seryoso yon?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. “Fire talaga ang pangalan mo?”

Seryoso talaga siyang Fire ang pangalan niya?

Tumingin ako sa kanya para kumpirmahin kung totoo ba pero parang nag-iba yung timpla ng mukha niya. “Ang lutong mo palang mag-mura.” Biglang komento niya na ikinataas ng kilay ko.

“Nasa malayang bansa tayo kaya malaya ko ring masasabi kung anong gusto kong sabihin at kasama na doon ang pagmumura.” Inirapan ko siya para damang-dama ko talaga ang pagtataray ko. Hindi ko naman kilala to kaya ang lakas ng loob kong magtaray talaga.

“Hahaha, ewan ko sayo,” bigla siyang natawa na lalong kong ipinagtaka, “Tama pala yung sabi nila, ang prangka mo nga but in a nice way.”

Hindi ko na talaga maintindihan ang ka-usap ko ngayon. Bakit niya ba ako kilala?

“Hala no? Ang creepy mo pala, bakit mo ba ako kilala?” kasi hindi ko naman siya kilala. Dapat kasi pag kilala niya ako ay kilala ko rin siya. Ganun ba.

“Schoolmates nga kasi tayo. Magkasama tayo kanina sa bahay ni Madam, hindi mo ba na-aalala?” pagkasabi nya nun ay nag-isip ako, pilit kong inaalala kung tama ba yung sinabi niya. “Nevermind, ipapakilala ko nalang ulit ang sarili ko, I’m Fire Barreto.” Sabay nang pagkakasabi niya ng pangalan niya ay ang pagka-alala ko sa kanyang mukha.

Tama yung sinabi niya, nandoon nga siya sa mansyon ni Madam kanina. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at kung saan-saan nalang tumingin kasi nga nakasama ko pala siya kanina sa iisang bubong pero kung makapagtaray ako ay daig ko pa nag-iinarteng baka.

“Ah, hehe, ikaw pala yung kanina. Nice to meet you. I’m Perry.” Dire-diretsong sabi ko na peke siyang nginitian.

“Alam ko.”

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon