Part 13: Tinola at Adobong Manok

60 9 0
                                    

JAPETHER

NANUNUOD ako ng tv dito sa sala namin ng may marinig akong tunog ng makina ng sasakyan na feeling ko eh sa tapat ng apartment namin huminto. Sinilip ko sa may bintana na malapit sa pintuan kung sa tapat nga ng apartment at tama nga ang hinala ko, hinintay ko kung sino yung bababa kasi hindi familiar sakin ang sasakyang yun. Isang babae ang bumaba mula dun, isang babaeng kilalang-kilala ko. Hindi ko maaninag kung sino yung nagda-drive at kasama nya pero isa lang ang alam ko, hindi ko yun kilala hahaha sino ba yun?

Bago pa sya makapasok sa loob ng gate ay bumalik kaagad ako sa pwesto ko at hinintay syang makapasok sa loob ng apartment. Nang tuluyan na syang makapasok ay agad ko syang tinignan at tinanong ng "San ka galing? Ginabi ka nanaman ah." simula kasi nung nag-transfer kami dito, ginagabi na sya ng uwi.

Itinaas nya yung dala nyang plastic bag ng isang supermarket na malapit lang dito at agad ko naman itong kinuha sa kanya, na-alala ko kasi yung text nya kani-kanina lang.

Sabay kaming naglakad papuntang kusina at habang nilalapag ko yung mga pinamili nya ay natanong naman nya si Jun "Si Jun ba? Nasan?"

"Ayun, tulog." ako lang kasi mag-isa dito sa sala kasi si Sage at Jun nasa loob ng kwarto tas si Bone may binili lang sa 7/11 tas si Fern hindi pa umuuwi. Isa-isa kong tinignan yung mga pinamili nya "Ano ba lulutuin mo?" tanong ko kasi hindi naman ako kasing expert nitong si Perry sa pagluluto no. At gusto ko sanang tanungin kung sino yung naghatid sa kanya pero wag nalang, alam kong itatago rin naman nya yun.

"Tinolang manok, pang-peace offering ko lang kay Ibarra. Galit pa ba sya sakin?" nagsimula na sya sa pag-ayos ng mga gagamitin nya sa pagluluto nun. Tumulong na rin ako kasi ako dapat magluluto ng ulam namin tonight kaso nga nag-request itong si Perry na sya muna kasi ipagluluto nya si Jun. Na hahahaha akala nya eh hahahaha galit sa kanya, hindi magagawa ni Jun yun no. 😏

"Ewan, ang tahimik kasi ng isang yun eh." at gusto ko talagang matawa kasi maling akala nanaman si Perry hahahahahaha

"Palagi namang tahimik yung isang yun eh." at kahit hindi ako tumingin sa kanya ay alam kong naka-poker face sya sa sinabi nya.

Ahahahaha, tama sya, si Jun talaga yung tahimik sa barkada pero ma-iksi din ang temper ng isang yun. Oo, na-offend sya sa tinanong ni Perry kanina pero diba? Mahal nya yung babae kaya di nya matitiis yun, di nga lang sila nagkita kanina sa school kaya di pa alam ni Perry na okay na si Jun. Sasabihin ko sana kaso nag-effort si Perry para sa sorry ni Jun kaya hahayaan ko munang kiligin si Jun, pfft. Hahahaha

Habang nag-hihiwa kami ng mga gagamitin nyang ingredients ay biglang lumabas ng kwarto si Sage. Napatingin kasi ako dun kaagad kaya nakita ko kung sino. "Oh Perry, kanina ka pa?" gumagawa ng assignment si Sage kaya naka-tambay sya sa kwarto. Hahaha akalain mo yun, nag-aaral sya! Hahahaha

"Gagu insan, akala ko kung sino na yung lumabas ng kwarto. Ikaw lang pala." at bumalik sya sa ginagawa nya. Hindi nya pala alam na wala yung dalawa dito sa apartment kaya akala nya nasa loob sila ng kwarto lahat.

Ewan ko ba sa babaeng to, bakit di nya masabi-sabi sa iba naming kaibigan na marunong pala syang magluto. Ano bang big deal dun?

"Bakit ikaw nagluluto? Si Japet naka-toka ngayon ah." nakilapit na rin si Sage samin at tumingin-tingin sa plastic bags na nasa lamesa ko inilagay. "Dumaan ka pala sa supermarket, di ka man lang nagsabi."

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon