Part 7

64 11 1
                                    

GINGER ROSE


"Madam, 'yong tungkol sa foundation week natin?"

"What about it, Mendoza?"

Ah? Paano ko nga ba sasabihin na hindi magpa-participate ang theatre club sa foundation week?

"'Y-yong sa foundation week?"

"Please be on point, Mendoza."

Shit naman kasi! Bakit ba hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako sa kaniya? E, mas matanda naman ako sa kaniya. Grade ten pa lang 'tong President namin sa council and for pete's sake nasa Grade twelve na ako.

"Hindi raw magpa-participate ang theatre club." There! I said it!

"So, Barreto is really testing my patience, huh?" sabi niya nang hindi man lang nakatingin sa akin. Kalmado pa siya n'yan ha.

Nandito kami ngayon sa SSC room. Lumabas 'yong ibang members ng council kaya kaming dalawa ang naiwan sa loob.

"Mendoza, can you tell Barreto to come over here? I just need to talk to him regarding this stunt of him."

Napatango agad ako sa ipinag-uutos niya at dali-daling lumabas ng SSC room para i-text muna si Fire about his whereabouts.

Gosh, Fire Barreto, ang laking favor nitong ginagawa ko ngayon. This is in your advantage kahit alam kong gigisahin ka lang naman ni Madam kapag nagkita kayong dalawa.

After I sent him that message, wala pang isang minuto, nakita ko na ang nakangising espiritu ni Fire na papalapit sa akin. Wala sa sarili na lang talaga akong napangisi sa sobrang bilis ng gagong itong pumunta rito kapag usapang Madam na talaga.

At saka, wala namang tao sa SOC building ngayon kaya malaya kaming makakangiti kung gugustuhin namin.

"Ang bilis mo naman? Have you ever read my text message to you?"

Mas lalong lumawak ang ngisi ni Fire nang marinig ang tanong ko sa kaniya nang tuluyan siyang makalapit sa akin.

"Nah, no need. Ini-expect ko naman talagang ipatatawag ako ni Madam ngayon."

Tinapik niya ang balikat ko at muling ngumisi bago tuluyang makapasok sa loob ng SSC room. Napa-irap na lang ako sa mga advancement ng pag-iisip nitong Fire Barreto na ito.

Hindi na ako sumunod kay Fire sa pagpasok sa SSC room. Hahayaan ko ang dalawang mag-usap, so I decided to roam around the campus, to kill time.

Vacant ng girls ngayon, habang ang boys naman ang may pasok ngayon. Kung nagtataka kayong bakit biglang sumulpot na lang si Fire kahit na may pasok naman talaga siya sa mga oras na ito, tinatanong pa ba 'yon? Sobrang tuso ng lalaking iyon. Lahat gagawin alang-alang sa Madam n'yan. Ang yuck 'di ba?

Sa paglakad-lakad ko ay hindi ko namalayang dinala na pala ako ng mga paa ko sa garden area ng campus kung saan currently ay nandoon din pala ang section nina Fire, nililinisan ang garden.

Doon ko lang na-realize ang kahibangan na namang ginawa ko nang makita kong nakatingin sa akin si Glad mula sa malayo. Kasabay no'n ay ang pagkaalala ko sa nangyari kaninang madaling araw, kung saan inaya ko si Pebble at Tanjerine na mag-jogging sa malapit na park para lang saktan ang sarili ko.

Ang tanga 'di ba? Suntok sa mukha ko ang nakita ko kanina. Ang sakit-sakit pala. Sabi sa akin ni Tanjerine na willing naman daw magparaya si Merigold kung may iba mang magustuhan si Glad or whatever... pero anong gagawin ko, klarong-klaro namang hindi ako gusto ni Glad kaya paano siyang magpaparaya sa akin, 'di ba? Sobrang tanga ko talaga, 'di ba? Alam na alam kong masakit pero heto pa rin ako't ginugusto siya.

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon