Part 19

49 8 0
                                    

PERRIWINKLE

MAAGA akong nagising. Sabado ngayon pero sinadya ko talagang gumising ng maaga.

Magja-jogging pa sana ako kaso nagpakita na si Mister Sun kaya pinag-luto ko nalang ng agahan yung limang ugok. At para naman may silbi ako sa apartment nato no, baka sumbatan ako nung lima--- sabihing puro hilata lang ginagawa ko dito sa apartment. Aba! Mahirap na masumbatan no!

Nasa kalagitnaan na ako ng aking niluluto nung isa-isa silang lumabas sa kwarto nila. Mga bagong paligo at bihis na bihis na ang pormada nila. Chineck ko yung relo ko, 6:21 am na. "Oh? Ang aga mo naman?" Unang lumabas si Jun na sinundan naman ni Fern na imbes na batiin ako ay una pang binati ang mga natapos ko ng lutuing pagkain. At sumunod na rin yung iba.

"Waaaaw! Sinipag ka yata ngayon Perry? Anong meron?" Sabi ni Fern sabay subo nung omelet na kakatapos ko lang gawin. Napa-iling nalang ako sa inasta ni Fern. Ang siba kasi ng isang to.

Simula kasi nung malaman nilang marunong pala akong magluto ay inabuso na nila ito. Halos ako na pinapaluto nila ng agahan at minsan sa hapunan pa.

Mga walanghiyang kaibigan talaga!

"Kasi alam kong aalis kayo ng maaga at masosolo ko yung apartment ng mga dalawang araw. Bwahahahahaha." at tumawa ako nang pagkalakas-lakas na halos makalimutan ko na may niluluto pa pala akong fried rice, mabuti nalang nahagip ito ng mga magaganda kong mata kaya hindi agad nasunog, at buti nalang kamo hindi napansin ng mga kasama ko.

"Anong masosolo? Ikaw lang mag-isa dito? Diba hindi naman uuwi si Sage?" nagtatakang tanong ni Jun.

"Pinapa-uwi sya ni Tita, kagabi lang sinabi. Tulog ka na siguro nun kaya di mo nalaman agad." nung ma-luto na ang fried rice ay agad ko itong inilipat sa malaking pinggan, mukhang sasabak na sa gyera yung mga kasama kong ang tahi-tahimik, gutom na kasi.

Kumain kami nang sobrang tahimik, lahat busy kumain sa kani-kanilang pinggan. Kuha dito, kuha doon. Galit-galitan kumbaga. Normal na kasi ang ganitong eksena sakin, lalo na kung wala sa hulog ang mga gising ng mga lalaking ito, naku! Asahan talagang hindi magpapansinan ang mga ito.

"Hindi ka ba talaga sasama samin pa-uwi sa Manila? Sumama ka na kaya, ikaw lang mag-isa dito oh." Nung matapos kaming kumain ay si Fern at Bone na yung nagligpit ng mga pinagkainan namin at ako naman yung maghuhugas, kasi nga mamaya ay aalis na ang mga ito. Uuwi kasi silang Manila--- silang lahat pati si Sage. Hindi sana uuwi si Sage kung hindi sya pinapa-uwi ni Tita Sandra kaya ayun, napilitan. Si Jun yung nagsabi nun habang pinapanood akong maghugas ng pinggan.

"Pupunta ako sa bahay ni madam mamaya, remember? May reporting kaming gagawin ngayon." Tinignan ko sya "Tsaka kung pwede ko lang takasan yun edi sana makakasama nyo ako ngayon." Kibit-balikat kong sabi.

"Okay ka lang ba talaga dito insan? Ikaw lang mag-isa." Biglang sumabat si Sage sa usapan namin ni Jun.

"Oo naman, parang di mo naman ako kilala nyan." Natatawa kong sabi kasi ang o-OA ng mga lalaking ito.

"Hayaan mo bukas, maaga akong babalik dito para may makasama ka." Si Jun.

"Ehem ehem ehem" napahinto ako sa paghuhugas ng pinggan nang biglang sabay-sabay na umubo yung apat na ugok. Nag-effort pa akong harapin sila kasi alam kong nasa likuran ko lang sila at nakatingin samin ni Jun na nandito sa may lababo ng maliit na kusina ng apartment.

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon