BONIFACIO
"Mabuti nalang at naging okay na ang pakiramdam niya, hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa gagong iyon pag mas malala pa sa ganito ang nangyari kay Perry," tinapik ko ang balikat ni Sage para kahit papaano ay mapa-kalma siya.
"Sige na Sage, magpahinga ka na, si Juniper na ang bahalang magbantay kay Perry," napalingon kaming lahat dahil sa sinabi ni Japet.
"Huh? Bakit ako?" na agad din namang tinutulan ni Juniper.
"Kasi hindi mo man lang pinigilan si Grey na lumapit kay Perry."
"Gago, ginawa ko lahat para iiwas si Perry pero siya na mismo ang gustong lumapit at makipag-usap ulit kaya wala na akong nagawa," depensa ni Jun pero nanaig sa tono ng boses niya na pinagsisihan niya ang nangyari.
"Tsaka nalang natin pag-usapan 'to, pagod ang lahat dahil sa nangyari kaya magpahinga na muna tayo, may pasok pa tayo bukas," sabay tayo ni Sage at diretso papunta sa kwarto namin.
Sinundan naman agad ni Fern at Japet yung matanda sa amin.
"Ano pare? Okay lang ba na ikaw muna magbantay kay Perry ngayon?" tanong ko sa kaniya dahil kaming dalawa nalang ang na-iwan ngayon sa kwarto ni Perry.
"Oo okay lang, kahit hindi naman sabihin ni Japet kanina ay gagawin ko pa rin naman," tinapik ko ang balikat niya.
"Sige, good night nalang. Gisingin mo lang kami baka sakaling magising ang pasyente natin," iniwan ko siya roon at agad dumiretso sa loob ng kwarto namin.
Abala ang tatlo sa pagbibihis. Naabutan ko pa nga si Fern na papasok na sa banyo ng kwarto namin para siguro maligo.
"Sasabihin ba natin kay Perry ang nangyari sa kaniya? Yung dinala natin siya sa ospital?" pagbabasag ni Japet sa katahimikan namin kaya agad akong napatingin sa kaniya habang abala sa mga gamit ko. Nakita ko ring napalingon na si Sage sa kaniya.
Isang katahimikan muna ang nanaig bago naisipan ni Sage na sagutin ang tinanong ni Japet. "Pag nagtanong siya—sasabihin natin, pero pag hindi, mas mabuting wag na muna nating banggitin sa kaniya. Ayokong madagdagan ang iniisip ng pinsan ko at ayokong maging daan ito para malaman niya ang totoong kondisyon niya."
"Hanggang kailan nyo balak itago sa kaniya ang totoong kondisyon niya, Sage?"
Luh?
Agad akong napalingon sa direksyon ng pintuan ng kwarto namin dahil doon galing ang boses.
At doon ko nga nakita si Juniper na nakatayo habang naka-crossed arms.
"Wala kaming balak itago yon sa kaniya habang buhay, Jun. Hinihintay pa namin kung kailan siya handang marinig ang katotohonan," yon lang sinabi ni Sage bago pumasok sa loob ng banyo saktong paglabas ni Fern.
"Anong pinag-uusapan nyo?" takang tanong ni Fern dahil mukhang hindi nga niya narinig ang pinag-uusapan namin, kasi halatang kalalabas lang niya ng banyo.
"Alam mo na yon Fern, wag nang maraming tanong," sagot naman ni Japet sa kaniya kaya inabala ko nalang ang sarili ko sa pagbibihis.
Inalala ko ang nangyari kanina. Aaminin kong grabeng kaba ang naramdaman namin nung maabutan naming nahimatay si Perry sa ilalim ng malakas na ulan. Nataranta kaming lahat kaya ang una naming ginawa ay ang dalhin siya sa ospital.
May kasalanan din ako kung bakit mas lalong uminit ang dugo nila kay Grey nung makita nilang si Grey ang kasama nito sa ilalim ng ulan. Hinayaan ko kasing si Juniper ang pumigil kay Perry na wag nang kausapin si Grey pero ang itlog, ayon—hinayaan pala niya ang dalawa. At hindi ko naman inaasahan na sa tapat pala mismo ng apartment namin sila magkakayakapan.
Oo, alam kong masyadong magulo ang pagku-kwento ko.Heto kasi yon...
Diba magkasama kaming tatlo ni Perry at Jun sa Platform 9 3/4? So yon nga, magkasama nga kami, so sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita namin sa loob ng coffee shop ang dakilang EX kuno ni Perry. Wala namang unusual na nangyari sa loob ng coffee shop, except nalang sa hawak-kamay na drama ni Jun kay Perry na kung hindi ko lang talaga pinigilan ang bibig ko ay baka nakantyawan ko na ang dalawa pero mabuti naman at napigilan ko nga ang sarili ko.
Paglabas namin ay tsaka lang umeksena itong si Grey Diaz, tsaka lang niya binawi-bawi ang isang kamay ni Perry. Nagmukha tuloy isang magandang dilag ang kaibigan namin, humaba bigla ang buhok niya, dinaig si Rapunzel dahil pinag-agawan siya ng dalawang lalaki. Yung isa, may gusto sa kaniya, yung isa naman ay ang gusto niya.
Na-out of place ako sa eksenang iyon kaya naisipan ko nalang na ma-una sa paglalakad para hindi ko rin marinig kung anong pag-uusapan nila.
At yon lang ang nalaman ko dahil nga umuwi akong mag-isa bitbit yung mga dalang dapat ay hati kami ni Juniper.
~~~
IRISHA ROANNE
Tinitigan ko si Perry habang abala sa binabasa niyang libro. Kanina ko pa napapansin na para siyang lutang. Nagpapa-as if siyang present ang utak niya kahit hindi naman.
Ano kayang nangyari?
Kating-kati akong tanungin siya kung anong bumabagabag sa kaniya pero nahihiya ako dahil hindi ko alam kung paano sisimulan.
Iniisip kaya niya yong eksenang na-witness ko noong isang araw?
Sumandal ako sa inuupuan ko at nilaro nalang ang ballpen na hawak ko.
"Oy, okay ka lang Iris?" agad naputol ang panandalian kong pagkaka-tulala nung mangibabaw sa tenga ko ang boses ni Perry kaya lumingon ako sa kaniya.
"Oo, okay lang ako. Ikaw ba? Okay ka lang ba talaga?" nagkaroon ako ng pagkakataong itanong sa kaniya ang tanong na kanina ko pa gustong itanong. "Masama ba pakiramdam mo? Pansin kong parang namumutla ka?"
"H...h-ha? Namumutla ba ako?" hinawakan niya yong labi niya at agad naghanap ng salamin sa bag niya at tinignan ang sarili sa repleksyon ng salaming hawak niya. "Hindi naman a?"
"Malamya ka ngayon, meron bang nangyari kagabi?"
"Sabi ng mga kaibigan ko wala naman daw kakaibang nangyari sa akin kagabi pero ang weird talaga e, huling na-alala ko nasa gitna kami ng daan tapos pag gising ko nasa kama ko na ako tas iba na yung suot kong damit, tsk, ang weird talaga!"
Anong pinag-sasabi ng isang 'to?
Agad tumaas ang isang kilay ko dahil wala talaga akong na-gets sa sunod-sunod na sinabi ni Perry.
"Teka Perry, okay ka lang ba talaga?" at mas lalo kong diniinan ang sinasabi ko dahil nga naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.
"Andyan na si Ma'am, mamaya nalang ulit Iris," at bigla siyang bumalik sa pwesto niya leaving me clueless.
Ano ba talaga ang nangyari? Ang weird na.
~~~

BINABASA MO ANG
Walang Tatawa (Upgrading)
HumorWelcome to MELANCHOLY UNIVERSITY where everything is legal except for one thing: LAUGHING IS NOT ALLOWED.