Part 21

42 7 0
                                    

PERRIWINKLE


ISANG MALUTONG NA TANG INA ANG UNANG BATI KO SA INYO!

Tang ina kasi mukhang nananaginip ako.

Tang ina kasi hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Tang ina kasi alam ko sa sarili kong totoo itong nakikita ko ngayon.

At huling tang ina kasi alam kong hindi ito panaginip.

Shookt! Si Kuya Ed/Kuya na nasa rooftop itong nakikita ko ngayon sa harapan ko!

“Hoy Perry! Okay ka lang?” para akong hinigop ng isang blackhole dahil sa yugyog na naramdaman ko.

Isa-isa kong tinignan ang mga taong kanina ay nagtatawanan pero nagtataka na ang naka-pinta sa kanilang mga mukha.

“Is everything alright, Alferez?” narinig ko ang boses ni Madam kaya agad ko siyang hinanap, nakita ko sya doon sa kabilang side ng hapag-kainan.

“A…a-ah! Oo! Everything is alright Madam!” nataranta ako sa isinagot ko sa kanya kaya dahil sa taranta ay agad akong umupo sa bakanteng bangko na una kong nakita.

At kung mamalasin ka nga naman, katapat ko pa sya.

Pinipilit kong tignan sya sa mga mata pero bakit feeling ko siya yung umiiwas ng tingin sakin?

“Okay! Let’s eat.” Sumuko ako sa kakatitig sa kanya nung mag-salita na si Pres Pebble. Napa-sulyap pa ako sa kanya bago itinuon ang atensyon sa walang laman kong plato.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Masyado akong naguguluhan.

Para akong natutuwa na hindi. Natutuwa dahil nakita ko ngayon si Kuya Ed at nalulungkot din ako dahil parang iniiwasan nya ako. Gusto ko nga sanang batiin sya pero tinubuan ako ng hiya dahil hindi lang kaming dalawa ang nandito sa hapag-kainan, kundi marami kami.

Ah! Baka nahihiya syang pansinin ako dahil maraming tao!

Tahimik kong kinain ang pananghalian ko habang sila ay ang ingay-ingay na dahil sa tawanan.

Ibang-iba sa school.

Inisa-isa kong tignan ang iba pang nandito at nakita ko si Ate Ginger. Na-aalala nyo pa ba sya? Siya yung naghatid sakin sa classroom ko sa unang araw ko sa Melancholy University.

Nakita ko rin yung boyfriend ni Pres Pebble na si—sino nga ulit ito? Nakalimutan ko kasi ang pangalan eh! Hahaha basta syota nya ito!

At yung iba ay hindi ko na kilala.

Pero isa lang ang masasabi ko—alam kong magkaka-ibigan ang mga ito.

Ang close-close kasi nila.

~~~


IRISHA ROANNE


Kanina ko pa napapansin ang pagiging tulala at balisa ni Perry. Minsan nag-iiba ang expression niya sa mukha pero halata talagang ang weird nya.

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon