PERRIWINKLE
NAGLALAKAD ako papuntang Guidance Office, naglalakad lang kasi ayokong tumakbo, ayokong mag-effort. Maghintay sila kung kelan ako dadating, sila may kasalanan sakin tas magagalit sila kung bakit ang bagal ko. Upakan ko kaya yung Heather Cruz na yun? Leche sya. Hindi ko sya kilala pero dahil sa ginawa nya nag-init ang dugo ko sa kanya.
At isa pa, hindi ko alam kung saan ang Guidance Office kaya ini-isa-isa ko pa ang mga office dito. Mabuti nalang talaga at may mga sign kaya medyo hindi ako nahirapan.
Pumasok ako sa loob ng Guidance Office, malamig sa loob at bumungad sakin ang limang tao.
~~~
HEATHER
"Jason, pahiram naman ng camera mo oh. Kukuha lang ako ng mga random pictures para ma post ko sa ig ko."
Agad kong kinuha ang dslr ni Jason na naka-patong sa lamesa. Di ko na sya pinasagot at lumabas agad ako ng library at dumiretso papuntang likurang parte ng building na yun.
After ko kasing makita na kinaladkad ng ex ko yung transferee sa 10-G ay agad kong kinuha ang camera ni Jason at sinundan yung dalawa. Dun ako pumwesto sa isang malaking puno na malapit lang sa kanila para marinig ang pinag-uusapan nila. Tsk, don't tell me may gusto si Karlo sa babaeng yun? The hell, hindi naman kagandahan yung Alferez na transferee na yun no.
"Perry! May sasabihin ako sayo." Rinig na rinig ko ang usapan nila dito at kitang-kita ko rin silang dalawa. I took some pictures cause it's my evidence para ipakita kay Madam na somebody violated the rule.
"Good news or bad news?" Sagot naman nung babae. Kelan ba sila naging close nitong babaeng ito?
"Good syempre." At ano ba ang pinag-uusapan nitong dalawang ito? "May slot na sa S.A. at sa Library yung slot na yun."
Mas lalo akong nakinig sa usapan nilang dalawa sa narinig ko. Pinag-uusapan nila ang slot sa Student Assistant sa Library?
"Talaga?"
"Oo! Pumunta ako kanina sa Student's Affairs Office at nabigla nalang ako nung magtanong ako sa slot para sa mga new S.A. tas ang Library ang sinabi nila. Nakakuha nga agad ako ng form eh. Teka kukunin ko sa bag." biglang umalis si Karlo sa pwesto nya kanina at iniwang mag-isa si Perriwinkle Alferez na naka-ngiti. So this transferee girl wants to be a student assistant. This is gonna be a big scoop. May ganito palang nangyayari sa loob ng Student Affairs Org? Bakit ngayon ko lang nalaman? "Fill-outan mo yan bago mag 2 pm tas dadaanan ko nalang sa classroom nyo. Sa 10-G ka diba?" Nabalik sa dalawa ang atensyon ko at isang application form nga ang binigay ni Karlo kay Perriwinkle.
"Salamat Blood ha? Akala ko talaga wala ng slot." And the next thing that happened between them made me click the shutter of the camera. After that ay umalis na ako sa pwestong iyon, what I've heard is enough to make an article. And that picture is also enough as an evidence and to support my article. I never knew na pwede pa palang mag-apply sa Student Affairs.
Pumunta muna ako sa BBP office at kinopy ang mga pictures na nakuha ko kanina sa laptop ko before ako bumalik sa lib at binalik ang dslr ni Jason. I also deleted those pictures para hindi nya ma-iupload sa social media. Gusto ko kasi ako ang unang mag-reveal ng picture at scoop na yun.
BINABASA MO ANG
Walang Tatawa (Upgrading)
HumorWelcome to MELANCHOLY UNIVERSITY where everything is legal except for one thing: LAUGHING IS NOT ALLOWED.
