Part 22

21 7 0
                                        

IRISHA ROANNE


“Magandang hapon po Miss Ginger and Miss Iris.” Pagbukas ng gate ng bahay nila Ate Ginger ay agad kaming sinalubong ng kanilang katulong.

“Good afternoon, nasan sila Mommy?” casual na tanong ni Ate Ginger sa kanilang kasambahay.

“Nagkaroon po kasi ng emergency sa ospital, pinatawag po silang dalawa.” Sagot naman nung kasambahay nila na siyang sumalubong samin.

Humingang malalim si Ate Ginger bago sumagot. “As usual.” Mapaklang sagot niya doon sa kasambahay nila. “Paki-hatiran kami ni Iris ng merienda sa kwarto. After 30 minutes nyo nalang ihatid yon.” Dire-diretsong sabi niya matapos yung mala-bangin sa lalim na buntong-hininga nya. Dire-diretso rin ang naging lakad nya papasok sa bahay nila “Halika na Iris.” At na-unang maglakad papunta sa kwarto niya.

Ilang beses na akong naka-punta dito sa bahay nila Ate Ginger kasi bukod sa magkakilala kami ay magkakilala rin ang mga pamilya namin. Family friends kumbaga kaya alam ko kung bakit ganun nalang ang naging sagot ni Ate Ginger sa sinabi ng katulong nila tungkol sa whereabouts ng kanyang Mommy and Daddy.

Parehong Doctor ang parents ni Ate Ginger, at dalawa silang magkapatid. Yung older sister niya is happily married na kaya siya nalang yung na-iwan with her parents. But unfortunately, her parents were too busy to be with her kaya niya na-isipang mag-dorm nalang na malapit lang din sa M.U. Mabuti nalang at pumayag yung parents niya dahil makakasama naman raw ni Ate Ginger yung mga friends nya kaya siya agad pinayagan.

Uhaw sa atensyon ng mga magulang si Ate Ginger pero itinatago nya ito sa lahat. Isa ako sa mga maswerteng taong alam ang tungkol doon pero she trust that much kaya hindi ko pinagsasabi sa iba.

“Ate Ginj, how are you feeling?” agad na tanong ko nung maisara nya yung pintuan ng kwarto niya.

Ilang segundo siyang tumitig sakin bago naputol ang titigan naming iyon ng isang patak ng luha mula sa kaliwang mata niya. “I’m not fine Irisha, I’m not fine. I lost my bestfriend because of this stupid love.” Humahagolgol na sabi niya. Lumapit ako sa kanya at agad siyang kinomfort.

“Ano ba kasing nangyari kanina Ate? Nalaman ba ni Ate Merigold ang tungkol sa feelings mo kay Kuya Glad?”

~~~


GINGER ROSE


FLESHBECK…

“So, bakit nga pala tayo nandito?” napatingin ako kay Tangerine nung bigla nyang basagin ang katahimikan. Kanina pa kami nagtititigan dito, hindi alam kung sinong unang magsasalita. Wala kasi dito yung mga boys, nandoon sa basketball court ng mansion nila Glad.

At doon din ako nakatitig bago pa man maagaw ni Tangerine ang atensyon ko.

“Nandito kami ni Ginger because of the upcoming dance fest, Merigold is obviously with my cousin. Eh ikaw? Anong ginagawa mo rito? Bakit mo kasama yung ibang Sixers?” boses pa lang ni Pebble ay halatang meron nang pagtataka. 

“Inaya ako nila Dijon eh, alangan namang hindian ko. Atsaka sinabi rin kasi nilang nandito raw kayo kaya ako sumama.” Pagdadahilan ni Tangerine.

Nung marinig ko yung sagot niya ay ibinalik ko ang tingin ko sa basketball court, kung saan naglalaro yung Sixers. Pinag-masdan ko ang bawat galaw niya, ang bawat pag-pasang ginagawa niya, ang bawat takbo niya kasama ang bola, ang bawat talon na ginagawa nya sa tuwing shino-shoot nya ang bola, sa bawa—

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon