Part 2

122 15 1
                                    

JAPETHER



Kahit saan yata ako ilagay ni mommy ay susunod itong limang itlog sa akin. 'Di ko ba naman suka't-akalain na magta-transfer din sila ng school at doon pa talaga sa school kung saan ako in-enroll ni mommy. Ang sabi nila, unanimous decision daw nila ang pag-transfer.

Ang sabihin nila, nang dahil na naman kay Perry kaya sila magta-transfer .

Nasayang lang tuloy 'yong pagsisinungaling na ginawa ko para i-defend si Perry sa harap nina mommy at ng school officials. Kahit kailan talaga si Perry panira.

At ito pa ang mas nakagugulantang sa lahat... 'di ba magta-transfer ako ng school? Siyempre, ayokong umuwi roon sa bahay nina Lolo at Lola sa side ni mommy kasi masiyadong malayo sa bago kong school, so, kumuha si mommy ng isang sakto-lang-ang-laki-mga-kasya-ang-anim-na-itlog na apartment. At isa lang ang ibig sabihin nito... makakasama ko sa apartment na iyon ang lima pang itlog.

Ewan ko kung matatawag ko itong malas o suwerte pero masaya na rin naman ako kahit papaano. I have the freedom I need and I have my friends by my side. It's been a while na rin since naging magkaibigan kami and comfortable na kami sa presence ng isa't-isa. May times na nakakasawa na pero hahanap-hanapin mo rin pero nakakasawa na talaga mga pagmumukha nila.

Siguro naman, alam n'yo na, expelled na ang ating magiting na si Perriwinkle. Ano na kayang mangyayari sa kaniyang buhay? Lalago kaya o lalong masisira? Siguro sisirain ko. I have hundred ways on how to ruin her life pa naman. I think it's time to use it in action?

Dyahe. Ano ba 'tong pinag-iisip ko?

Agad naming pr-in-ocess ang school files namin for transferring. We used the suspended dates para magawa 'yon. Although mommy did help rebuilding the greenhouse, hindi na namin natapos ang seven days suspension na iyon dahil nga magta-transfer kami. Ang bilis nga ng pag-process ng papers and files namin. Napaghahalataan na pinapalayas nga talaga kami.

Dalawang araw bago kami pumasok sa bago naming school, lumipat na kami sa apartment na titirhan namin for the rest of the school year. Daig pa nga namin mga college student kasi ngayon pa lang ay nagiging independent na kami. Kakayanin din naman siguro.

"Jap, bakit hindi ka sa bahay ng Lolo at Lola mo tumira? One ride lang naman 'yon dito sa school 'di ba? Sabi mo?" tanong ni Perry habang kumakain ng carrot cake na in-order niya sa coffee shop na kasalukuyan naming tinatambayan. Katapat lang ito ng school na lilipatan namin.

Naka-isang araw na nga pala kami rito and bukas na rin magsisimula ang first day of school namin. Adjust-adjust din 'pag may time.

"One ride nga, isang oras naman ang layo mula rito."

"Ang layo nga," sagot niya.

"Wala bang required na uniform ang school na 'to? Parang wala akong nakikitang estudyanteng naka-uniform, ah?" sabi ni Sage sa na-obserba niya sa paligid ng school na na-obserba ko rin naman. Hindi lang yata ako, kami yatang lahat. Halata naman kasi.

"At ang weird pa ng pangalan ng school. Melancholy University. May college students kaya rito?"

Inambahan ko ng batok ang pinagsasasabi nitong si Fern. Matik 'yan, chicks na naman nasa utak. At talagang naghanap ng college students.

"Masiyado bang malungkot ang school na 'to para 'yan ang maging pangalan?"

"Bone, kung malungkot ang pangalan ng school na 'to, edi sana Sad 'yong pangalan. Sad University, ganoon!"

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon