Part 14: Group One

33 9 0
                                        

PERRIWINKLE

"PERRY, bakit ang tamlay mo ngayon?" tinapik ni Iris ng mahina yung pisnge ko, tinignan ko naman sya ng may maalala ako. Umayos ako sa kina-uupuan ko. At dahil may isang oras kaming vacant bago ang 11-12 pm na klase namin sa Araling Panlipunan ay inaya ko sya ditong tumambay sa may basketball court na nasa gym, malapit lang din kasi to sa Grade 10 Building.

"Iris, may kilala ka bang lalaki na mataas ang height tas matangos ang ilong tas gwapo tas mapupungay ang mga mata tas-- basta gwapo." I suck at describing people you know. Hahahaha.

"Okay Perry, ang daming gwapo tas mataas ang height tas matangos ang ilong tas mapupungay ang mata dito sa school natin Perry. I'm not exaggerating pero maraming gwapo dito." tinignan ko yung mga lalaking naglalaro ng basketball sa court, hinahanap ko sya dun pero wala sya. "Ano bang grade nya? Crush mo ba?" dagdag nya pa. Napa-isip ako sa sinabi nya, hindi ko man lang natanong kung anong Grade ni Ed tas crush ko nga ba?

"Ang hirap naman kasi nya e describe eh, kaibigan ko sya pero hindi ko alam pangalan nya." nagkamot nanaman ako sa may batok ko kasi nakaka-inis, hindi ko pa alam pangalan ni Ed hanggang ngayon.

"Eh bakit hindi mo tinanong sa kanya? Akala ko ba kaibigan mo sya?" naglilibot pa rin ang mga mata ko sa loob ng gymnasium, baka kasi andyan sya. At tama nga si Iris, ang daming gwapo sa school nato pero mas gwapo pa rin talaga si Ed eh.

"Ayaw nyang sabihin, gusto nyang alamin ko daw katulad nung pagkaka-alam nya sa pangalan ko." ipinirme ko nalang sa sapatos ko yung tingin ko. Wala din naman akong mapapala eh. "Feeling ko sikat sya sa school nato."

"Sikat?" napatingin ako kay Iris nang sinabi nya yun at para ngang may ina-alala sya "Lalaki tas sikat? Naku, ang hirap nyan Perry. Every grade level kasi dito may mga sikat." tumingin sya sakin "Pero may grupo ng lalaki na sikat talaga sa lahat ng grade level dito." at biglang nag-panting ang tenga ko sa sinabi nya.

"Sino?"

"Yung Sixers."

"Sixers? Ha?"

"Yep, mga Grade 12 na sila and they are composed of obviously 6 boys." mas lumapit si Iris sakin at mas hininaan ang boses "First is Fire Barreto or also known as the leader of the group, may leadership kasi sya kaya sya din yung mas mature sa kanilang anim at may kataasan din ang height nya, may matangos na ilong at magandang mata." baka si Fire Barreto yung si Ed, parang may leadership din kasi kung tumindig yung si Ed eh. "Second is Dijon Ferrer, the chick magnet of the group. Gwapo at biniyayaan din ng height kaya pasok sa description mo kanina. Mahilig syang makipag-usap sa mga babae at ang galing nyang magdala ng conversation." or not, baka si Dijon Ferrer, ang galing din nyang makipag-usap sa isang babae eh.
"Third is Rusty Gonzalez, ang brainy sa grupo, although matatalino naman silang lahat pero mas angat lang talaga si Rusty sa anim. Taken na sya, actually boyfriend nga sya ni Pebble Chase na presidente ng club na pinasukan mo." and nope, it's not actually him kasi taken na kaya it's still either si Fire or Dijon. Pero na-alala ko kahapon yung nakasalubong ko si Pres. Pebble, sya siguro yung Rusty na tinutukoy ni Iris. "Fourth is Rouge Mendes, the madaldal sa grupo. Katulad ni Dijon, magaling din syang magdala ng conversation at mas active kesa sa iba. Gwapo at mataas din ang height." or maybe it's Rouge. Aaaarrrrrggggghhhh! Sino ba sa kanila? "Fifth is Ashvane Marquez, the music lover of the group. Gwapo at sobrang bait nyan." and maybe, last na talaga, si Ashvane na yun. Music lover daw eh! Sure na talaga ako. "And last but not the least, Gladiator Ramirez, ang pinaka-gwapo sa kanila, ang pinaka-sikat sa kanilang anim. At kapatid sya ni Madam." pero pasok din itong si Gladiator Ramirez na kapatid ni Madam, sya daw pinaka-gwapo oh "But like Rusty, taken na din sya. Bali-balita kasi yung relasyon nila ni Merigold Lim. Mukhang sila na nga." malungkot na sabi ni Iris. Wala akong pakialam kasi sayang din, akala ko si Gladiator na. Hahahaha. Pero sino nga ba sa kanila?

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon