PERRIWINKLE
"YAN lang ba tanong mo?" tumango ako sa sinabi nya pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya, parang nakakahiya kasi yung tanong ko.
"Syempre, ma-ooffend ako sa taong magsasabi sakin nyan lalo na kung hindi naman totoo. Pero dependi yun sa taong nagsabi nun." tumayo sya tas sumandal sa may railings ng rooftop tas humarap sakin.
Napatingin na ako sa kanya dahil sa huling sinabi nya "Dependi sa tao? Anong ibig mong sabihin?"
"Simple lang, if someone called me a 'gay' and that someone is only a stranger or someone I don't know well, I'll understand what he/she said because he/she still don't know me pero ma-ooffend pa rin ako. That person is too judgemental para sabihan ako ng ganun." tumango-tango ako sa sinabi nya "And if one of my close friends ang nagsabi nun sakin, syempre ma-ooffend ako na may kahalong disappointment sa taong nagsabi nun kasi yung akala mong taong kilalang-kilala ka ay ang mismong taong nagsabi sayo nun na well in fact hindi naman totoo. It's like you've never trusted your friend." mas dumoble ang konsensyang nararamdaman ko nung sinabi ni koya rooftop sa huli nyang eksplenasyon sa tanong ko. Nakaka-guilty pramis!!!!
"Mali nga talaga ang sinabi ko." naka-yuko kong sabi, waaaaaaaaaaaah! Nagi-guilty na talaga aketch teh!
"What did you do? You called your friend a gay?" tumango ako kasi tama naman yung sinabi nya diba? Parang sinabi ko na ring bakla si Jun kahit na tinanong ko lang naman sya nun kasi sa isipan ko bakla na sya, huhubells naman oh 😭 "And let me guess, he got mad at you right?"
Inangat ko yung ulo ko para magtama yung paningin naming dalawa "Nagdabog lang sya sakin matapos kong sabihin yun and I assume na galit nga sya so yes." umiwas agad ako ng tingin matapos kong sabihin yun.
"That's bad Perry. Nakapag-sorry ka na ba sa kanya?" bumalik sya sa kina-uupuan nya kanina, which is katabi ko lang.
"Yun na nga problema ko eh, hindi ko alam kung pano mag-sorry at manuyo sa kanya kasi nasanay ako na palaging ako yung nagagalit tas yung mga kaibigan ko yung nanunuyo sakin. This situation is new to me." ay futek na english naman yan oh! Nakaka-hawa pag-e-english ni koya rooftop eh. Pero totoo naman yung sinabi ko, mga kaibigan kong lalaki palagi ang naghihingi ng sorry everytime na maggagalit ako, whether it's my fault or their fault (isa nalang talaga!!!!!! Gagawa na ako ng english dictionary sa galing kong mag-english hahahaha) "Ano ba dapat kong gawin koya?"
Tumingala sya sa kalangitan bago nagsalita "Put your guard down, which is your pride. Matuto kang humingi ng pasensya sa kasalanang nagawa mo and learn to accept it." cool na cool nyang sabi.
Tama lang na koya rooftop yung tawag ko sa kanya kasi kuyang-kuya na sya eh. Dami nyang alam brow!
"Tanggap ko naman na kasalanan ko, pero natatakot lang akong harapin yung galit nya sakin." tumingala na rin ako sa mga ulap, nagiging orange na yung kalangitan, at magdidilim na din "Pero pano nga ba manuyo ng isang lalaking galit?"
"I can't tell you my experience kasi wala ako nun dahil hindi ako nanunuyo ng kaibigan lalong-lalo na ng lalaki. But may isa akong suggestion, ginagamit ko to sa kapatid ko at kahit papaano eh effective sya." may kapatid pala si koya rooftop? Nilipat nya sakin ang tingin nya at nagpatuloy "Be sincere at samahan mo ng pagkain, like something sweet para lumambot yung kalooban nya sayo. Ano bang favorite food nya?"

BINABASA MO ANG
Walang Tatawa (Upgrading)
HumorWelcome to MELANCHOLY UNIVERSITY where everything is legal except for one thing: LAUGHING IS NOT ALLOWED.