GINGER ROSE
"Happy birthday, Dijon!" bati ko kay Dijon nang makasalubong ko siya sa hallway.
Nag-salute siya bilang sagot sa akin since bawal nga ang ngumiti rito sa loob ng campus. Pero napahinto na rin naman sa paglalakad para harapin ako. I did the same.
"Platform later. After class, Ginj."
"Um, Dij, thanks for the invite but I don't think I can make it."
"Oh, God, don't tell me hindi pa rin kayo nagpapansinan ni Merigold after what happened?"
Napatitig ako kay Dijon and just slightly nodded for an answer.
Dijon heavily sighed.
"Let's just forget that for a while, Ginj. It's my birthday. Kahit ngayong araw lang, mapagbigyan n'yo ako?"
Napabuntonghininga na rin ako dahil sa sinabi ni Dijon. Alam na alam kong nagpapaawa siya kasi sabi ni Fire, ganito siyang magpaawa.
"I'll try, Dij."
"Goods. See ya later."
Nagpatuloy sa paglalakad si Dijon like nothing happened. As for me, nagpatuloy din ako hanggang sa makarating ako sa SSC room.
I have an early meeting with Madam kaya maaga akong nandito sa school ngayon. As for the boys, maaga rin ang schedule ng klase nila ngayon kaya hindi na nakapagtataka kung ba't nakasalubong ko si Dijon kanina kahit na iba naman ang class schedule namin.
Since that weekend happened, hindi na ulit kami nagpansinan ni Merigold. Mas pinili ko na nga lang umuwi sa bahay at doon matulog kahit ayoko instead of staying in our apartment dahil iwas na iwas ako. Bigla kasing nag-sink in lahat ng sinabi ko sa kaniya nang hapong iyon.
Sobrang pathetic mo, Ginger Rose. I never knew you're that head over heels with Glad. Super.
Aminado naman akong may kasalanan ako sa nangyari. I am aware of what I said to her. Kung gaano ako ka-aware sa mga sinabi ko, ganoon din kataas ang pride ko. Hindi rin ako pinapansin ni Merigold sa klase. That's reasonable dahil sa mga sinabi ko. Hindi ko rin siya mapansin kasi nahihiya ako sa mga sinabi ko sa kaniya. I'm in between and I don't know what to do. Naguguluhan ako.
Lalo na sa narinig ko galing sa bibig nilang dalawa.
Akala ko masakit nang marinig na may relasyon silang dalawa, I didn't know mas masakit palang marinig na may posibilidad na ikasal sila in the near future.
Get your grip together, Ginger Rose! This is so not you!
"Good morning, madam."
Madam Lae just stared at me habang nakaupo siya sa swivel chair niya pero agad din akong napalunok nang makita ko sa side ng table niya ang pigura ng lalaking noong Monday ko pang iniiwasan.
Do I really need this kind of scenario now? This is the least I want to happen.
"Hmm," tipid na sagot ni Madam.
I can feel the thumping of my heart as the seconds go by. Hanggang sa hindi nawawala ang presensiya ni Glad dito sa SSC room, hindi mawawala ang mabilis na tibok ng puso ko.
"You can go now, Kuya. I believe we're already done," narinig kong sabi ni Madam sa Kuya niya. Nanatili kasi akong naka-focus sa table ko at hindi na ulit lumingon sa puwesto nilang dalawa.

BINABASA MO ANG
Walang Tatawa (Upgrading)
HumorWelcome to MELANCHOLY UNIVERSITY where everything is legal except for one thing: LAUGHING IS NOT ALLOWED.