Part 6

69 12 3
                                        

PERRIWINKLE

Matapos ang panandaliang jamming namin ni Kuya'ng hindi ko kilala ay nag-offer siya sa akin ng isang veggie burger. Hindi raw niya kinain 'yon at bagong bili pa niya raw 'yon sa coffee shop sa tapat ng school. Sakto namang nagutom ako kaya tinanggap ko na. Mahilig naman din talaga ako sa veggie burger. Mahilig ako sa mga gulay sa kabuuan.

So, pag-uwi ko, hindi ko na napigilan ang ngiti sa labi ko. Ang sarap sa pakiramdam na magkaroon ng bagong kakilala. Hindi ko alam, basta ang sarap lang talaga sa pakiramdam lahat. Ang gaan-gaan. Para akong nasa cloud nine.

Panibagong araw na naman pala. Pangalawang araw sa klase. Alas-sais pa lang ng umaga ay nagising na ako. Tuwing naaalala ko 'yong nangyari kagabi, 'di pa rin talaga mawala-wala ang shet kong ngiti. Siguro sasagarin ko na lang habang nandito pa ako sa apartment.

Hindi ko nga rin alintana ang iilang sugat na natamo ko sa kaka-praktis ng gitara kagabi, eh.

"Oh? Aga natin, ah?"

Nagtitimpla ako ng gatas nang biglang lumabas si Sage galing sa kuwarto nilang mga lalaki. Panandalian ko lang siyang nilingon at tuluyang tinapos ang ginagawang pagtitimpla.

"Wala man lang bang good morning sa nakapaganda mong pinsan?" sabi ko sabay higop sa gatas na hawak... "Aray!"

Shet na mainit na 'yan!

Dali-dali kong inilapag ang gatas sa lamesa at naghanap ng malamig na tubig sa ref para mahimasmasan itong napaso kong dila.

Shet naman kasi!

"Pfft, hahaha! Ayan kasi, nasobrahan sa inspirasyon kaya nakalimutang mainit pa 'yong gatas." malakas na humalakhak si Sage sa nangyari sa akin kaya mabilis ko rin siyang binato ng tsinelas na suot ko. "Aray naman, Perry! Pikon ka?!"

Inirapan ko lang siya nang mas lalo lang siyang tumawa sa ginawa kong pambabato ng tsinelas. Nakakairita ha.

"Ano ba 'yang pinagsasasabing mong inspirasyon?"

Umupo na ako sa katapat na bangko at hinipan na ang gatas. Naninigurado na 'no.

"Ang weird mo kasi kagabi, eh," sabi pa ni pinsan habang umuupo sa katapat kong espasyo sa lamesa.

"Bakit? May mali ba sa akin kagabi?"

Sa pagkakaalala ko, wala naman akong kakaibang ginawa kagabi, ah?

"A smiling face after the detention? How can you explain that, Perry?"

Nagpigil ako ng tawa dahil sa naging tanong ni Sage at sa straight english niyang pagkakatanong.

"Hanep. English, ah? E, ano namang mali sa pagngiti? 'Wag mo sabihin sa akin na pati rito, mali na rin ang ngumiti?"

Napakuha ako ng pandesal sa lam... teka, bakit may pandesal dito?

"Binili ni Japet. Nag-jogging kasi siya kanina kaya lang natulog ulit."

Ah, ganoon ba. In fairness kay Sage, pinsan ko nga siyang talaga. Basang-basa laman ng utak ko, eh.

"Kilala kita, Perriwinkle. Hindi ka ngumingiti kapag nadi-detention ka, pero isang himala na tuwang-tuwa ka pang na-detain ka kahapon? Hiniram mo pa gitara ko."

Nagkibit ako ng balikat sa mga pinagsasasabi ni Sage tungkol sa akin at sa mga nangyari kagabi.

"Ang sarap kasi ng detention nila. May aircon pa. First time ko ring nakatulog during detention. Wala lang sa kanila nang malamang tulog ako. O 'di ba, sinong hindi magugustuhan ang detention nila?"

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon