FIDEL REAGAN
*tok tok tok*Pagka-pasok na pagka-pasok ni Perry sa loob ng apartment nila ay lumapit ako doon sa isang sasakyan na naka-park hindi kalayuan sa apartment nila Perry. Nag-crossed arms ako habang naghihintay sa kanya.
“Bakit kayo magkasama?” agad na tanong niya nung mabuksan niya ang bintana ng kotse niya. Hindi siya makatingin sakin kasi diretso lang ang tingin niya kaya ngumisi ako.
“Nakita ko siya doon sa village namin, mukhang hinatid nila ni Iris si Ginger sa bahay nila at mukhang nakalimutan nila si Perry,” cool na cool na sabi ko. Tinignan ko ang kamay niyang naka-hawak lang sa manibela ng kotse niya at kitang-kita na ang mga ugat niya sa kamay. “Wag kang mag-alala, hindi ko siya ginalaw.” Naka-ngising sagot ko na lalong nagpa-igting sa panga niya.
“Hindi ko sasantuhin ang pagkakaibigan natin once na isinali mo siya sa mga collections mo, Fire, so back off your hands with her.” Dahan-dahan siyang lumingon sakin with glaring eyes.
Napa-tawa ako dahil sa sinabi niya. “I don’t understand you, pag sa kapatid mo—okay lang? Pero pag sa kanya—back off ako? Ibang klase.” Komento ko naman sa sinabi niya.
“Sa kapatid ko, hindi ka talaga makakalusot, pero sa kanya—she’s too weak for that.”
“Ano bang meron sa kanya? Bagong salta lang naman siya pero ba’t ganito ka kung protektahan mo siya?” takang tanong ko dahil simula nung makilala namin si Perry Alferez ay naging ganyan na siya.
“Shut your mouth Fire.”
“Usapang lalake lang ha, lumaban ka ng patas,” tinapik ko ang balikat niya mula sa labas ng kotse niya “May the best man win, G.” Huling sinabi ko bago ko siya iwan doon para umuwi na.
Habang nasa daan ay hindi ko maiwasang hindi isipin ang nangyari kanina sa bahay nina Madam. Alam kong nasasaktan ngayon si Ginger dahil sa nalaman niya and nasasaktan din ngayon si Merigold dahil din sa nalaman niya. Pareho niyang nasaktan ang dalawang babaeng iyon pero mas pinili niyang puntahan ang apartment ni Perry. Pala-isipan pa rin talaga sakin kung bakit, bago lang siya rito sa lugar namin at hindi ko pa lubos kilala ang buong pagkatao niya.
Alam ko –namin lahat to be exact – na merong gusto si Glad kay Merigold kaya nga kayang-kaya niyang e-echapwera ang bestfriend ko dahil nga mas gusto niya si Merigold kesa kay Ginger. Kaya nakakapagtaka talagang bakit kailangan niyang puntahan ito sa apartment niya? Ano bang papel ang gagampanan ni Perry sa buhay niya?
Pero kahit anong banta ang gawin niya, nagkakaroon na talaga ako ng interes kay Perry.
May the best man win, Glad.
~~~
IRISHA ROANNE
*tok tok tok tok*Kumatok ako doon sa bakal na gate ng apartment nila. Mag-aalas kwatro na ng hapon nung pinayagan akong lumabas ng bahay at ang una kong pinuntahan ay ang apartment ng bago kong kaibigan na iniwan ko kahapon na si Perry Alferez.
Nagdaan ang ilang segundo pero walang may lumabas ng apartment nila kaya kumatok ulit ako.
*tok tok tok*
“Ma’am Iris, baka po walang tao.” Sabi nung isang bantay ko na katabi ko ngayon dahil siya yung may bitbit ng mga pinamili ko. Dahil din sa sinabi niya ay inaninag ko ang loob ng apartment nila kung meron bang bakas ng tao.

BINABASA MO ANG
Walang Tatawa (Upgrading)
HumorWelcome to MELANCHOLY UNIVERSITY where everything is legal except for one thing: LAUGHING IS NOT ALLOWED.