Part 11.1: Signature

55 9 0
                                    

JAPETHER

"LOCK ba yung kwarto ni Perry?" tanong ko sa dalawang itlog na nandito sa apartment.

Sabado ngayon at apat lang kami dito sa apartment kasi nga umuwi yung mag-pinsan sa Manila. Tapos si Fern, ewan kung saan nanaman nagpunta yung fucboi na yun. Hahahaha

"Simula nung pinasok ni Iron yung kwarto nya para lagyan ng teddy bear natuto na syang mag-lock." sabi ni Bone habang nagbabasa ng libro.

Hmmm, ano nga bang pwedeng gawin this day?

"Wala ba kayong balak umuwi ng Manila?" nababagot na sabi ni Jun, ramdam na ramdam ko talaga yung pagkabagot niya habang kaharap ang laptop nya.

"Ang sabihin mo Jun gusto mong sundan si Perry sa Manila Garden. Hahahaha" sabi ko sa kanya. Nagfe-facebook din kasi ako ngayon sa phone ko at nakita ko yung mga post ni Perry tungkol sa bago nyang gitara at now yung 'gonna visit the Manila Garden later' na status nya.

Kalahating araw na kaming naka-tambay dito sa apartment, at wala na yata talaga kaming balak lumabas dito. Si Jun kasi ayawng sumama sa trip namin ni Bone na mag-chicks hunting, masyadong loyal kay Perry, tsk.

*tok tok tok tok*

"Bone, buksan mo yung pinto."  -ako

"Nagbabasa ako Jap, wag kang ma-ingay dyan." -Bone

"Ikaw Jun, tigilan mo na pangsto-stalk kay Perry." -ako

"Ikaw kaya Jap, ikaw malapit sa pinto eh." -Jun

*tok tok tok*

Mga gagu talaga. No choice ako kungdi pagbuksan ang kung sino mang kumakatok. Sino naman kaya to? Wala naman kaming ine-expect na bisita ah.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang taong kahapon ko lang nakilala. Si President.

"Mr. President! Ano pong ginagawa nyo dito?" president ng theatre arts club.

"Ikaw si Japether Villamayor diba?" tanong nya sakin. Lumabas ako ng apartment para magka-usap kami ng maayos. Di nyo kasi naitatanong na sa Theatre Arts Club ako pumasok.

"Yes Pres. Ano pong atin?"

May mini-bench sa labas ng apartment namin kaya doon kami umupo, or rather ako lang ang umupo kasi nakatayo pa rin sya hawak-hawak yung isang folder. Teka? Pano sya nakapasok sa gate?

"Bukas yung gate kaya pumasok nalang ako." nabasa nya ata yung nasa isip ko, pero langhiyang Fern, di nanaman sinarado ang gate. "Dito ba nakatira si Perriwinkle Alferez at Sage Carlos Santiago?" tanong nya habang nakatingin sa folder na hawak nya.

Part time mail man na ba itong si President?

"Ah opo, dito nakatira yung dalawa kaso wala sila ngayon dito eh. Umuwi ng Manila."

"Kaya pala." narinig kong sabi nya.

"Kaya pala ano Pres?"

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon