PERRIWINKLE
PUMASOK agad ako sa bahay nila Sage nung makapag-paalam ako kay Iron, I smell something fishy kasi sa sinabi ni Sage na pinadalang package ni Ate na biglaan. Curious lang ako kaya kailangan ko talagang makita yun.
"ATE TINKERBEEEELLLL" salubong sakin ni Taffy na may kasama pang pag-yakap. Oh diba? Parang ako pa talaga ang totoong kapatid nitong si Taffy. Hindi kasi sya ganito sa Kuya nya hahahaha.
"Baby Taffy! Na-miss kita" at hinalikan ko sya sa may buhok nya, hmmm ang bango talaga nitong batang to hindi katulad nung Kuya nya na---wala, joke lang, baka isumbong nyo ako kay Sage.
"I miss you too Ate Tinkerbell! But I'm not a baby anymore na kaya." and then she pouted, awwweeee so cute 😊.
Pero bakit nga ba Tinkerbell ang tawag nya sakin? Kasi sabi nya tunog tinkerbell daw yung pangalan ko. Ang weird talaga nitong batang to.
"Wag kang magmadaling lumaki Taf, baka di mo magustuhan."7 years old na nga pala tong kapatid ni Sage na si Staffynnah.
"Halika na Ate, nagda-drama ka nanaman kasi." at kinaladkad ako nung bata papasok sa loob ng bahay. WAIT! Yung bata pa talaga ang nagkaladkad sakin tas sinabihan nya pa akong nagda-drama? Wat da ef! No wonder na magkapatid nga sila ni Sage, kung di ko lang pinsan to eh 😒.
Pagpasok ko palang sa loob ng bahay kasama pa rin si Taffy ay sumalubong agad sakin si Tita at Tito na agad akong nag-mano kasi kahit papaano ay sa kanila itong bahay nato kaya dapat lang na sila yung una ko mapansin at si--- "NINOOOOOOONG!!!" at dinambahan ko sya ng yakap. Na-miss ko tong Ninong ko na to no!!.
"Ang laki mo na Perry ah." sabi nya ng maka-wala kami sa yakap ng isa't-isa. "Kamusta ka na iha?"
"Still kicking Ninong, kelan pa po kayo naka-uwi?" nilagay ko yung backpack ko sa may sofa at saka nag-hug ulit kay Tita, di nyo kasi natatanong na close ako sa Tita ko kasi kakambal sya ni Tatay. Sumalangit-nawa ang yung kaluluwa Tay. Labyo!
"Kahapon lang anak, nga pala" may tinuro sa sahig "eto nga pala yung pinadala ni Maggie sayo, sa London kasi yung last destination ko kaya nung malaman ni Ate mo na nandun ako kaya ayun pinadala nya sakin to." nanlaki ang mata ko sa laki ng box na pinadala ni Ate, sobra-sobra naman yata to. "Buksan mo na Perry." narinig kong sabi ni Ninong Sean na agad ko namang sinunod.
"Ang duga talaga ni Ate, di man lang ako sinabihan na may ipapadala sya." at sumimangot ako, kasi naman eh, si Ate, magka-video call lang kami kagabi tas hindi man lang nya ako sinabihan na may ipapadala pala sya tas kay Ninong Sean nya pa pinasuyo. Laking perwisyo talaga nang panget na yun! Bakit ba ang hirap buksan ng box nato?
"Surprise kasi dapat ni Maggie to sayo Perry, advance birthday gift daw." sabi ni Tito Alex na tinutulungan na akong magbukas nang box kasi nakita nya sigurong nahihirapan na ako. At mabuti naman kasi nabuksan na namin kaagad yung box.
"Hala Tito, next month pa kaya birthday ko." to naman si Ate, nakalimutan nya ba yung birthday ko?
"Perry! Online si Ate mo, tawagan natin ha?" narinig kong sabi ni Tita, kahit na hindi ako sumagot gagawin nya pa rin yung gusto nyang mangyari kaya hinayaan ko nalang.
Habang hinahalungkat ko yung laman ng nasa package ay narinig ko yung pagbati ni Tita sa napaka-pangit kong Ate. Pero bakit wala man lang yung pangalan ko sa loob ng package? Puro 'Tita Sandra', 'Tito Alex', 'Sage', 'Taffy', 'Japet', 'Juniper', 'Fern', 'Bone' yung naka-label na pangalan sa every product na makikita ko tas meron pa nga kay Hanu, yung aso nila Sage, pero wala man lang 'Para sa napaka-ganda kong kapatid-- Perry' na nakalagay. Walang hiyang Ate Maggie to ah.

BINABASA MO ANG
Walang Tatawa (Upgrading)
HumorWelcome to MELANCHOLY UNIVERSITY where everything is legal except for one thing: LAUGHING IS NOT ALLOWED.