Part 7.4: Happy, Happier, Happiest

59 9 1
                                    

PERRIWINKLE

"SIGE na Iris, samahan mo na ako sa labas ng school, dun sa may coffee shop ba." kasi naman si Iris eh, sya na nga lang nakaka-usap ko sa mga kaklase namin di pa nya ako sasamahan *pout*

"Dun ka nalang sa canteen bumili, may kape naman dun ah."

meron nga "3 in 1 naman yung mga kape nila dun eh." pero joke lang yun, mga bongga naman yung lasa ng mga kape na binebenta sa canteen kaso mas masarap kasi yung nasa labas ng school tas may red velvet pa dun kaya sobrang sarap.

"Gusto man kitang samahan Perry pero hindi pwede, hinahanap na ako ng mga ka-teammates ko, may praktis pa kasi kami para sa MTAP." haynaku, kaya ayokong maging matalino eh. Kaliwa't-kanan kang hinahanap. Hahaha.

"Hays, sige na nga. Lumayas ka na, dun ka na sa ka-teammates mo." ganyan lang talaga ako makipag-usap sa mga taong ngayong araw ko palang nakilala, eh ano ba?! Close kami ni Iris eh, hindi lang halata.

"Bye Perriwinkle, mag-aral ka bukas para sa quiz sa Physics tapos yung club na gusto mong pasukan ha? Dapat meron na yan bukas." at matapos nyang sabihin yun ay kumaripas na sya ng takbo. Na-iwan akong mag-isa sa loob ng classroom, haaaaaaaaay ang booring din pala ng life pag hindi mo palaging kasama yung limang ugok no? Nasanay na kasi akong kaklase ko sila palagi tas 2nd day palang ng pag-transfer namin pero feeling ko tuloy ang dami ng nangyari. Ang bagal ng oras ko pag wala akong kakulitan. Haaaay *malalim pa sa bangin na buntong hininga*

Wala na kaming klase kaya uuwi nalang ako, baka andun na din ang limang ugok sa apartment pero bago yun ay may kukunin muna ako sa locker ko. Ah wait! Nasabi ko ba sa inyo na may locker lahat ng estudyante dito? Tas may locker room din? Tas by year level ang locker room and separated ang boys at girls. Bongga diba?. Kukunin ko lang yung libro ko sa Physics, buti pina-alala ni Iris na may quiz pala kami bukas kaya--- ay ano to?

"Punta kang rooftop, I'll be waiting. Jam tayo ulit. Smiley face." pagbukas ko ng locker ko ay may nalaglag na isang piraso ng papel, maliit lang sya, parang sticky note. At yun nga, nasabi ko nga ng malakas yung nakasulat dun. Luh? Sino kaya to? Pero mag-jam daw kami ULIT? Di kaya si--- at bago ko pa matapos yung thought na yun ay agad kong sinarado ang locker ko at patakbong pumunta sa rooftop ng SOC Building. Baka kasi matagal syang naghintay dun, at teka bakit nga ba ako nagmamadaling makapunta sa rooftop? Hala! Hindi ako yung tipong ine-entertain ang sulat ng isang stranger ah. At dun ko na-realize yung ginawa ko, bakit nga ba kasi ako tumakbo no?

Huminto ako, asan na nga ba--- "Tatayo ka na lang ba dyan?" inangat ko yung ulo ko para makita kung sino ang nagsabi nun at pusang galang pinaliguan ng limang beses, si Koya rooftop yung nandito. Akala ko si--- "Hey, okay ka lang?" lumapit sya sakin at hinawakan nya yung balikat ko at sinundan ko ng tingin yun "Sorry" tinanggal nya yung kamay nya sa balikat ko "di ka kasi nagsasalita eh tapos yung mukha mo parang nabagsakan ng isang sakong bigas."

Shet, bakit nga ba ako disappointed? Di ko nga mawari (choss) kung bakit iniisip ko na pupunta sya dito para lang surpresahin ako. Bakit ko nga inisip na sya yung naglagay ng note na yun sa locker ko, bakit nga ba? Eh milya-milya yung layo ng unggoy na yun sakin eh- both literal and not---"Ayan, tulala ka nanaman. Jamming nalang tayo ulit, ikaw na mamili ng kanta."

"Ikaw yung naglagay ng note sa locker ko?" sya yun? Sya yata eh, sya lang nandito sa rooftop tas nasabi nya pa yung word na jamming, so baka sya.

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon