Part 27

33 6 0
                                    



PERRIWINKLE

Lunes na naman. Hindi ko alam kung bakit ang sama ng gising ko ngayong araw. Natulog naman ako ng mahigit sa walong oras pero bakit pakiramdam ko isang oras lang ang naging tulog ko?

Dahil ba ito sa nangyari kagabi?

O dahil sa sinabi niya kagabi?

Mas lalong gumulo ang mundo at isipan ko dahil sa mga binitiwang salita ni Grey. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gulong-gulo pa rin ako kahit na sinabi ko na sa kaniya na wala na siyang pag-asa sa akin at malabo ng maibalik kung ano mang meron kami dito.

Talaga bang malabo na?

Sumandal ako sa inuupuan ko at mangiyak-ngiyak na tinitigan ang gripo sa lababo.

"Tang ina naman Greylance e, ano bang meron ka at hanggang ngayon ay nagkakaganito pa rin ako sayo? Okay na naman ako diba? Naka-moved on na ako sayo pero bakit nung makita kita biglang nagbalik ang lahat?"

Heto na naman ang luhang akala ko naubos na kagabi.

"Kasi mahal mo pa siya."

Shit!

Bigla akong napa-ayos ng upo nung may marinig akong boses sa likuran ko. Agad-agad ko rin itong nilingon at ganon nalang ang pagtataka ko nung makita ko kung sino. "Anong ginagawa mo rito? Kanina pa kayo naka-alis diba? May pasok ka pa diba?" sunod-sunod na tanong ko pero isang ngisi lang ang tinugon nya sa akin bago inilapag ang bag nya sa ibabaw ng lamesa at umupo naman siya sa katapat kong bangko.

"Pina-uwi ako ng teacher namin, masama kasi pakiramdam ko tas sarado rin naman yung clinic kaya pina-uwi nalang ako," paliwanag nya na agad kong ikinataka. Kaya dali-dali kong hinipo ang noo nya kung mainit ba pero hindi naman.

"Eh hindi ka naman mainit e so panong sasama ang pakiramdam mo?" nagtatakang tanong kasi okay na okay naman siya paningin ko. Mukha ngang walang sakit ang isang to e.

"Basta masama talaga pakiramdam ko, sumang-ayon ka nalang kasi para wala nang problema," natatawang sagot niya pero hindi ako natawa.

"Ano ba kasi yon? May masakit ba sayo? Ulo, ngipin, balakang, katawan, ano? Anong masakit sayo? Kailangan bang dalhin ka sa ospital? Ano na!" napatayo pa ako dahil bigla akong nag-alala sa isang to.

Noong huling sinabi nyang "basta masama talaga pakiramdam ko" kinabukasan ay dinala nalang siya ng mga magulang niya sa ospital kasi LBM na pala yon kaya hindi nyo ako masisisi kung bakit ganito ako sa kaniya.

"Ang OA Perry ha, I can handle myself kaya wag ka nang mabahala dyan," bigla siyang tumayo at pumunta sa may ref "Mabuti pa at pumunta ka ng school, malapit ng mag 9." umiwas siya ng tingin sa akin at inabala ang sarili sa pag tingin sa loob ng ref.

Mas lalo ko siyang tinitigan at pinagmasdan ang sarili niya dahil parang meron ngang mali sa kaibigan niya ngayon at sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako naging curious sa inaakto ni Jun.

Na-isipan kong tumayo na at isinukbit ko na ang bag ko. "Sige, aalis na muna ako at total masama naman raw ang pakiramdam mo may gusto ka bang ipabili sa akin? Bibilhin ko mamaya bago ako umuwi," naka-ngiting tanong ko sa kaniya at sincere ako roon.

Naputol yata yung pagtingin niya sa loob ng ref at biglang napatingin sa akin. "Kahit ano nalang, basta yung maka-kain ha?" at balik na naman sa pagtingin sa loob ng ref.

Tinaasan ko siya ng kilay kahit hindi naman niya nakita bago tumalikod sa kaniya para pumasok na sa school, baka nga ma-late pa ako dahil sa pag-aalala ko kay Juniper.

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon