Part 4

103 13 5
                                        

JAPETHER


Sino kaya 'yong babaeng iyon? Ang ganda niya pero ang sungit nga lang. Parang ichi-check ko lang 'yong hawak niyang libro, sininghalan pa ako.

"Jap, anong oras ba pasok n'yo?"

Nabalik ako sa katotohanan nang bigla kong narinig ang boses ni Perry.

"Eight," maikli kong sagot. Busy kasi akong isipin ang magandang babaeng nakita ko sa bookstore noong isang araw.

"Eight AM?! Pucha, Jap, trenta minutos na lang para mag-eight tapos nakatunganga ka lang d'yan? Wala ka bang balak maligo? Papasok kang hindi naliligo?"

Napatingin ako sa relos ko. Dyahe, makasigaw naman 'tong si Perry, akala mo late na late na talaga ako.

"Sino bang nagsabi sa 'yo na hindi pa ako naliligo?" kinuha ko ang backpack ko at umalis na sa apartment para pumasok na sa school.

Nauna na ang apat na itlog sa school. Masiyado kasing excited ang mga itlog sa first day namin kaya nauna na sila. At kung magtatanong kayo kung bakit nauna na kaming boys sa school, samantalang si Perry naman ay naiwan namin sa apartment... heto kasi 'yon...

Iba ang section namin kay Perry. Ang sabi, all boys daw kami sa classroom kaya probably ay all boys ang magiging kaklase namin. Samantalang si Perry naman ay doon sa all girls. Magkaiba rin kami ng class schedule. Every MWF, mas una kaming nakakaalis ng apartment. TTH naman, si Perry naman ang mauuna. Basically, para kaming magkaiba ng school pero nasa iisang campus kami. Magulo ba? Gan'yan buhay ko, magulo rin.

Pagkapasok ko pa lang sa campus ng Melancholy University, parang may dumamping malamig na hangin sa katawan ko, lalo na sa bandang batok. Feeling ko tuloy ay nasa isang horror movie ako. Dyahe naman kasi. Monday na Monday, napaka-gloomy ng ambiance ng school. Idagdag mo pa 'yong mga mukha ng students na nakakasalubong ko sa hallway, ang lulungkot ng mukha nila.

Patuloy ako sa paglalakad papunta sa classroom na naka-assign sa amin. Pero bago ako makarating doon, may madadaanan muna akong bulletin board. E, mahilig akong tumingin-tingin sa mga ganitong klaseng board kaya napahinto muna ako to check on something important or informative man lang.

At isang impormasyon, which is quite weird, ang una at tanging bumungad sa akin.

RULE #001: LAUGHING IS NOT ALLOWED!

Dyahe? Seryoso 'to?

O baka mahilig lang mag-prank ang mga estudyanteng nandito. Nalaman sigurong may transferees kaya gumawa ng panibagong prank. Mga prankster pala, eh. Hindi yata nila alam na kaharap nila ang nagtuturo tuwing seminar sa pranskters wannabe.

Nakarating ako sa classroom nang matiwasay. Mabuti na lang at mabilis naman mahanap ang classroom na naka-assign sa amin, hindi na ako nahirapan pa. Nagpakita rin naman agad ang apat na itlog na agad akong hinablot nang makita ako, siyempre papasok sa bago naming magiging classroom kasama ang mga bago naming kaklase na puros lalaki.

"Akala ko ba seven-fifty nine ka pa pupunta rito?"

Usapan kasi namin kanina bago sila umalis na magpapahuli ako ng dating sa school para kuno may late effect. Astig daw kasi 'yon. Ginagawa ni Sage every school year 'yon, eh. Gusto ko ako naman ang gumawa no'n.

Pero hindi ko na nga nagawa kasi may putak nang putak sa apartment kanina.

"Ang ingay kasi no'ng pinsan mo roon kaya iniwan ko na lang."

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon