Part 9: Package

53 9 0
                                    

PERRIWINKLE

ISANG oras akong namalagi sa rooftop, isang oras kong binasa yung nasa nasa folder. At confirm teh! Si Cider the red hair addict yung nakita ko kanina, iisang club lang kami pero bakit hindi nya ako pinansin kanina?

But anyways! Charot! Hahahaha yun nga, susugurin ko lang si Iris! Asan na ba yung babaeng yun?! "Hoy!"

"Ay kalabaw!---Ano ba Cider! Ba't ka ba nanggugulat?!" halos atakihin ako sa puso sa biglang pag-hawak ni Cider sa balikat ko, sure na akong si Cider to kasi sya lang yung red haired addict na kilala ko.

"San ka galing?" naglalakad na kami pababa ng building, ewan kung bakit nagsasabay kami nitong adik nato.

"Sa tabi-tabi lang. Oy nga pala, may number ka ba ni Iris? Paki-contact naman sya oh, kailangan ko kasi syang makita eh."

"Meron pero alam ko kung nasaan sya ngayon na mas madali kesa sa e-text natin sya." at bigla nalang akong hinatak! Hindi ako makapalag kasi nakahawak sya mismo sa kamay ko, aba't chansing ang isang to ha pero infairness mas malambot yung kamay nya kesa sa kamay ko, halatang anak mayaman ang adik nato. "Dito" at huminto kami sa SSC Office. Bago pa ako makapag-reak sa mga pinagga-gawa nya sakin kanina ay pumasok na sya sa loob ng office at na-iwan akong nakatulala sa labas. Bakit ganito yung feeling ko nung hinawakan ni Cider yung kamay ko?! Pucha naman oh! Kumalma ka nga puso!! Ngayon lang talaga nag-sink in sakin yung ginawa ni Cider, nakaka-bobo ba talaga ang pag-hawak sa kamay?

"Hinahanap mo raw ako? Anong maipaglilingkod ko Binibining Alferez?" at I will seek revenge kaya sya naman yung hinatak ko, dun ko sya dinala sa lugar kung saan walang dumadaan na estudyante.

"Pucha Iris, bakit di mo sinabi sakin na Catering Service pala pinasok ko huhuhuhuhuhu." at kung pwede lang maglupasay dito, ginawa ko na kaso hindi pwede kasi lupa na yung kinatatayuan namin, madumi at ayokong madumihan yung puting t-shirt ko kasi paborito ko to.

"Pfft, sinabi naman sayo na umatras ka na pero anong ginawa mo? Pinagpilitan mo haha." at tumawa sya, mahina, enough para kaming dalawa lang ang makarinig.

"Sige! Tumawa ka pa, isusumbong talaga kita kay Madam." pagbabanta ko sa kanya, nakaka-imbyerna naman kasi, food club nga pinasok ko pero it's all about catering service dre tapos hawak namin yung canteen. Eh ewan hindi ko maintindihan kung anong objective nitong Food Club nato. Pandeleche naman oh!

"Si Perry naman hindi mabiro. Wala nang atrasan dyan ha." tinignan ko nang masama ang bruha! Nakaka-bwesit naman.

"Oo na, alam ko na yan." nag-crossed-arms ako at inirapan sya ng bonggang-bongga.

"Ayaw mo nun, ang gandang challenge nyan sa skills mo sa pagluluto." tinignan ko nanaman sya, sasagot pa sana ako ng naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko. Tinignan ko yun

Insan Sage Calling....

"Oh insan, bakit?"

"Asan ka?"

Problema nitong si Sage? Minsan lang to tumatawag ah? At himala may load ang ugok.

"SOC Building. Bakit ba?" eh wala eh, imbyerna pa rin ako sa nalaman ko tungkol sa club na pinasukan ko tas dinagdagan pa nung Cider na yun, teka asan na ba yun?

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon